Mga Pinoy kontento sa demokrasya
Leifbilly Begas - Bandera February 25, 2016 - 03:50 PM
Kontento ang nakararaming Filipino sa takbo ng demokrasya ng bansa, ayon sa survey ng Social Weather Station.
Sa survey na isinagawa noong Disyembre, sinabi ng 76 porsyento na sila ay ‘Nasisiyahan (at) Medyo Nasisiyahan” sa takbo ng demokrasya sa Pilipinas.
Mas mababa ito ng isang porsyento sa survey noong Hunyo 2015 pero mas mataas sa survey noong Setyembre 2013 na nakapagtala ng 68 porsyento.
Mas nakakarami rin— 58 porsyento— ang nagsabi na ‘Ang demokrasya ay palaging mas kanais-nais kaysa sa ibang klase ng pamahalaan”.
Nagsabi naman ang 18 porsyento na “Sa mga ilang sitwasyon ang pamahalaang diktaturya ay mas kanais-nais kaysa sa isang demokratiko at ang 23 porsyento ay nagsabi na ‘walang kabuluhan sa akin kung ang ating pamahalaan ay demokratiko o hindi demokratiko’.
Ang survey ay ginawa mula Disyembre 5-8 at kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents. Ang national survey ay mayroong plus/minus tatlong porsyento.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending