Concert ni Madonna gawa ng 'demonyo' - CBCP | Bandera

Concert ni Madonna gawa ng ‘demonyo’ – CBCP

- February 24, 2016 - 05:27 PM

PIHADONG mag-aalburoto to the highest level ang mga panatikong tagahanga ni Madonna matapos manawagan ang Simbahang Katolika na i-boycott ang gagawing pagtatanghal ng pop diva simula mamayang gabi, Miyerkules at bukas, dahil sa ito raw ay gawa ng demonyo.

Ang 57-anyos na “Like A Virgin” at “Erotica” hit-maker ay magtatanghal sa isang giant-crossed shape stage bilang bahagi ng kanyang global “Rebel Heart” tour.

“Why is the Catholic Philippines the favorite venue for blasphemy against God and the Holy Mother?” pag-uusisa pa ni Arguelles.

Si Arguelles din ang naunang bumatikos at nanawagan ng boycott sa concert na isa ring pop star na si Lady Gaga noong 2012 dahil sa gawa umano ito ni Satanas.

Marami pa ring konserbatibong obispo sa bansa na 80 porysento ng populasyon ay pawang mga Katoliko.

Bago pa ang kanyang concert, binisita ni “Material Girl” ang isang pasilidad para sa mga inabusong kabataan at isang Catholic orphanage nitong Martes.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Madonna ng “Chillin’ with my homies” kasama ang ilang batang inaalagaan ng Bahay Tuluyan, na may 500 batang kinukupkop sa ngayon.

Binisita rin ni Madonna Hospicio de San Jose, isa sa pinakamatandang bahay-ampunan sa bansa.

Nililibot ni Madonna ang mundo para sa kanyang ika-13 na studio album na may pamagat na Rebel Heart, na tumatalakay o may halong usapin sa sex.

Una na ring naging kontrobersya ang concert ni Madonna sa Asya.

Isang obispo sa Singapore ang nanawagan din ng boycott dahil sa umano’y pang-iinsulto ng concert nito sa relihiyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending