Magandang araw po sa Aksyon Line! Kaya po ako sumulat dahil alam ko po na kayo lang ang makakatulong sa mga problema na dinadaing sa inyo. Ang problema ko po ay tungkol sa dalawa ko pong kolehiyo— ang panganay ko po ay kumukuha ng accounting at yung isang ay marine engineering.
Nag-file po ako ng educational loan sa SSS ngunit hindi po tinanggap hanggang ngayon. Ang sabi po sa akin ng SSS ay ‘yung mga dati lang ang pwede. Magtatatlong taon na po na ganoon ang sagot nila. Hirap na po kasi kami ni misis, apat po kasi ang anak ko. Yun pong mga form ay pirmado na po ng mga school. Sana po ay matulungan nyo po kami. Naupa po kasi kami ng bahay. Maraming salamat po at sana tumagal pa ng mahabang mahabang panahon, sana po marami pa po kayong matulungan
Kami po ay umaasa sa aksyon line
Jose Wilson L. Baay Jr.
Regina M. Baay (wife)
Joan Robert M. Baay (son)
Joseph Luis m. Baay (son)
Joy Ann M. Baay (daughter)
Jay Kenth Ian M. Baay (son)
REPLY: Ito ay bilang tugon sa sulat na ipinadala ni G. Jose Wilson L Baay Jr. kung saan tinatanong niya ang tungkol sa Educational Assistance Loan Program (Educ-Assist).
Nais po naming ipaalam kay G. Baay na pansamantalang hindi tumatanggap ang SSS ng mga bagong aplikasyon para sa Educ-Assist program hanggang sa may makapagbayad na sa mga nauna nang nakautang dito o mayroong hindi magpatuloy ng kanyang loan. Para po sa inyong kaalaman ang Educ-Assist ay mayroon lamang pondong nagkakahalaga ng P7 bilyon kung saan ang P3.5 bilyon o kalahati nito ay bigay ng pamahalaan. Dahil dito, makakapag-proseso lamang ang SSS ng mga aplikasyon hangga’t may natitira pa sa pondo.
Sa ngayon po ay nakalaan na ang kabuuang pondo para sa mga miyembrong may naaprubahang aplikasyon noon para sa kanilang pag-aaral, o pagpapaaral ng kanilang mga benepisyaryo. Babayaran nila ang loan sa loob ng limang taon para sa college courses at tatlong taon naman kung vocational-tech courses. Magsisimula ang kanilang pagbabayad isang taon pagkatapos ng graduation mula sa petsa kung kailan inilabas ang huling loan.
Sa kabila po ng kadahilanang ito, umaasa po kami sa pag-unawa ni G. Baay.
Maraming salamat po.
May Rose DL Francisco
Social Security Officer IV
Media Monitoring Team
Media Affairs
Department
Noted:
Ma Luisa P Sebastian
Department Head III
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.