James nabaliw kay Nadine dahil sa dami ng halikan sa ‘OTWOL’ | Bandera

James nabaliw kay Nadine dahil sa dami ng halikan sa ‘OTWOL’

Ambet Nabus - February 23, 2016 - 02:00 AM

james reid

PROUD na proud kami sa mga hinahangaan naming Kapamilya stars na sina Nadine Lustre at James Reid. Aba, sila lang sa pagkakatanda namin ang buong puso at ipinagmalaking “officially ON” na sila at hindi lang basta screen partners.

At naniniwala rin kaming hindi ito gimik lang o promo para sa huling linggo ng kanilang seryeng On The Wings Of Love. Sa July pa magsisimula ang taping ng bago nilang teleserye dahil nga dadalhin pa nila sa iba’t ibang bansa ang kanilang very successful “JaDine Love” concert.

Nasa pangangalaga na nila ngayon kung paano nilang paiigtingin at mapapanatiling kulay rosas ang kanilang buhay pag-ibig na feeling namin ay talagang umusbong habang ginagawa nila ang OTWOL.

“Ikaw ba naman ang magkaroon ng paulit-ulit na kissing scenes, ewan ko na lang kung hindi kayo ma-develop,” sey ng isang kapwa naming OTWOLista na haping-hapi din sa ginawang rebelasyon ng dalawa.

Noong Feb. 11 pa naging official couple sina James at Nadine at wish naming tumatal nang matagal na matagal ang kanilang relasyon and hopefully mauwi rin ito sa kasalan.

Nakaka-proud lang sila dahil hindi gaya ng ibang halos nagpalitan na ng mga bagang at gilagid sa mga eksena nila bilang magka-loveteam, pero kung makaarte akala mo’y mga first rate actors. Ha-hahahaha!

Now it can be told. magiging mas masaya at makabuluhan ang ipinangakong surprises ni James para sa kanyang girlfriend.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending