Richard Gutierrez pinakagwapong Panday; mas tumindi pa ang umaapoy na sandata | Bandera

Richard Gutierrez pinakagwapong Panday; mas tumindi pa ang umaapoy na sandata

Cristy Fermin - February 11, 2016 - 02:00 AM

richard gutierrez

Makabuluhang paghihintay. Ganu’n kung ilarawan ni Richard Gutierrez ang pagdating sa kanya ng proyektong Ang Panday na isang klasikong obra ng henyong nobelistang si Direk Carlo J. Caparas.

Nagpahinga pansamantala ang guwapong aktor sa pagiging aktibo sa paggawa ng serye at pelikula, pero tama ang matangkad na aktor, parang inipon lang ng Ang Panday ang nawala sa kanya nang isang bagsakan lang.

Si Richard Gutierrez ang pinakaguwapong Panday, napakalaking karangalan para sa kanya ang gumanap sa papel ni Flavio, na dating ginampanan ng yumaong Hari Ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe, Jr. na sinundan naman ng aktor-pulitikong si Senador Bong Revilla.

Sa teaser pa lang ng Ang Panday ng TV5 sa pakikipagpareha ng network sa Viva Entertainment ay mapanghalina na ang serye. Sa madiin pa lang na pagpukpok ni Richard sa umaapoy niyang sandata ay magkakaroon na agad ng interes ang manonood na subaybayan ang pinagbibidahan niyang serye.

Si Direk Mac Alejandre na gumawa ng Ang Panday ni Senador Bong Revilla ang humahawak ng serye, maraming kakaiba sa atake ng obra ni Direk Carlo J. Caparas ang malapit nang mapanood sa TV5, ilang mukha ni Panday ang tatambad sa mga televiewers.

Sa kontrabida pa lang ni Richard na si Christopher de Leon ay nang-iimbita na ang serye, marami nang nasasabik sa paglipad ng armas ni Flavio, katutuk-tutok ang Ang Panday.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending