Christmas gift ni JUDAY para sa sarili: lalafang ako ng lechon! | Bandera

Christmas gift ni JUDAY para sa sarili: lalafang ako ng lechon!

- December 16, 2012 - 06:38 PM

judy ann santosBossing sinopla si Kris; Vice, Ai Ai kawawa naman

ANG saya ng Christmas party cum presscon ng “Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Ako” last Thursday na ginanap sa Anabel’s Resto except for the bad sound ng nag-host ng event – isang trying hard na gay starlet na ang boses ay parang may nakabarang plema sa lalamunan. Eiww!!!

Masakit sa tenga ang boses niya – kungsabagay, di na bago ito – everyone says the same way too.

But anyway, ang guwapo-guwapo ng mag-amang Sen. Bong Revilla and Jolo sa presidential table.

Iba ang charm ng mag-ama para sa amin – they’re both admirable talaga.

Judy Ann Santos naman has always been so lovely and charismatic too.

Gusto raw niyang kumain ng lechon this Christmas – magpapa-lechon yata siya ng baboy para i-serve sa few close friends niyang makakasama this holiday season.

Para tuloy kaming natakam sa sinabi ni Juday.

Hay, parang gusto ko na ring magpa-lechon.Or baka sa New Year na lang dahil nandoon kaming mag-anak sa Boracay by then, sasalubungin na lang namin ang Bagong Taon with some masaganang lafang para whole year kaming busog. Tama?

Medyo late nang dumating si Bossing Vic Sotto who, as usual, mesmerized some members of the press dahil kakaiba talaga ang presence niya.

He’s very bubbly and frank. Alam n’yo naman ang humor ni Vic Sotto – cutie.

Tulad na lang nang tanungin siya ng isang reporter sa sinabi raw ni Kris Aquino of the movie “Sisterakas”, ano raw ba ang reaksiyon ni Vic sa sinabi ni Kris na sila ang magna-number one sa takilya at hindi ang pelikula nila.

“Eh di, siya na,” walang kagatol-gatol na sagot ni Bossing.

His answer was not in any way offensive kay Kris. It was matter-of-factly just to give it back to Kris.

Tama naman si Bossing Vic, eh. Cute pa ng pagkasabi.

“Paanong hindi mananalo sa takilya ang mga filmfest entries ni Kris e, sinasabihan niya ang mga mayors na bumili ng tickets sa entries niya.

Marami kaming nakausap about this at inamin nilang they were obliged to support her film.

Kasi nga, pag hindi sila umayon, baka pahirapan sila ng administrasyong Aquino sa mga projects nila,” talak ng isang reporter na katabi namin that night.

Naloka naman ako sa alegasyon ng kafatid naming ito sa panulat.

Yes, I’ve also heard of the same last year.

Di ba’t biglang umangat from number four position ang “Segunda Mano ni Kris to second slot dahil biglang tumaas ang sales?

Iyon pala, may mga mayors daw na talagang bumili ng tickets at ipinamigay yata sa kanilang constituents.

Kung totoo man ito, nakakalungkot. Hindi tama. Hindi patas.

Kungsabagay, naramdaman namin iyan nang biglang pinanalo sa pagka-Best Actor and leading man niya sa “Segunda Mano” na si Dingdong Dantes over the splendid performance ni Gov. ER Ejercito sa much-awarded and influential movie na “Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story”.

‘Yung tinuran ni Bossing Vic was very short and simple, sounds funny pero makahulugan.

Kumbaga, how do you fight the gods, sige nga.

Sana ay hindi ito mangyari this year.

Sana walang gapangang maganap.

Kawawa naman sina Ai Ai delas Alas at Vice Ganda na kasama ni Kris sa pelikula kung madudungisan ang mga names nila sakaling meron na namang kababalaghang mangyari, di ba naman?

Hayaan na lang sana nilang maging patas ang labanan.

After all, Kris’ entry in this year’s MMFF is strong enough to hit well sa box-office.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pag may manduhan pang magaganap, ang tawag na riyan ay kasuwapangan. Tama o mali?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending