Horoscope, February 08, 2016 | Bandera

Horoscope, February 08, 2016

Madam Sophia |February 08,2016
facebook
share this

Horoscope, February 08, 2016

Madam Sophia - February 08, 2016 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Panatiliin ang ugaling pagiging mabait at matulungin. Sa pinansyal at pag-ibig habang tumutulong sa kapwa, mas magiging maligaya at lalo pang sasagana. Mapalad ang 7, 15, 22, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Araanam-Kebanam.” Green at orange ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Limutin na ang nakaraan. Mas magiging maligaya kung muling magmamahal. Sa pinansyal, bagong kalakal na may kaugnayan sa modernong kuminikasyon at sa pagkain ang magpapaunlad. Simulan mo na ngayon! Mapalad ang 3, 6, 27, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Kedemel, Hagiel.” Red at violet ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Sa pag-ibig upang lalo pang tumibay ang relasyon laging yayain ang kasuyo sa pagsisimba at iba pang gawaing may kaugnayan sa ispirituwalidad. Sa negosyo, bago matulog wag kakalimutang mag dasal at hilingin sa Diyos na yumaman. Mapalad ang 6, 12, 30, 33, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Egosum-Obre-Om.” Blue at silver ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Hindi pupuwedeng walang ginagawa. Ang mga Gemini ay madaling nanghihina kapag naka-istambay lang. Sa pinansiyal, kumilos ng kumilos hanggang sa yumaman. Sa pag-ibig, ngayon palang iplano na ang summer vacation kasama ang mga mahal sa buhay. Mapalad ang 4, 8, 23, 28, 31, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Yellow at red ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Walang pag-asenso kung laging aasa sa mga kapatid at magulang. Kailangan mong makaisip ng sariling ikayayaman. Sa pag-ibig, sa pagkakataong ito, yayain ang kasuyo sa isang negosyong may kaugnayan sa butil at tubig. Mapalad ang 2, 19, 25, 28, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Agara-Om”. Green at yellow ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Sa pag-ibig, okey na ang kasalukuyang ganda, wag ng maglagay ng kung ano-anong koloreta sa mukha sa ginagawa mong iyan, magseselos lang ang kasuyo. Sa pinansyal, simulan ng magtipid upang sa susunod na buwan ay hindi ka na kapusin. Mapalad ang 4, 16, 28, 38, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We”. Yellow at white ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— Isang secret admirer ang may lihim na gusto sa iyo, ngunit wala siyang lakas ng loob na magtapat. Kilalanin siya upang may maka-date sa darating na Valentine’s day. Sa pinansyal, pag laanan ng budget ang mga gawaing may kaugnayan sa romansa at pag-ibig. Mapalad ang 5, 18, 29, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agiel-Yophiel-Om”. Silver at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Kusang darating ang malaking halaga ng salapi. Matutong magtipid upang huwag agad maubos ang pera. Sa pag-ibig, magiging masalimuot ang pakikipag-relasyon sa isang Aquarius. Ang pagpapasensya ang mabisang solusyon upang maisalba ang relasyon. Mapalad ang 4, 15, 21, 25, 37, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Yara-Salve-Me-Om”. Red at yellow ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Wag nang magplano ng kung ano-ano gagawin sa Valentine’s day. Mas magiging exciting ang relasyon sa biglaan at hindi pinagplanuhang romansa. Sa pinansyal, bigla ang dating ng pera, pero agad ding mauubos. Mapalad ang 6, 18, 21, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Namo-Om.” Magenta at lilac ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Hindi dapat makipagkumpetensya sa mga kapit bahay. Hindi nakakatulong ang pagmamayabang at pang-gagaya upang umunlad. Mas mainam na mamuhay ng simple lang pero rock. Sa pag-ibig, sabihin mo sa kasuyo, “Wag kang maiingit, magkakaron din tayo nyan!” Mapalad ang 6, 13, 21, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Taph-Harath.” Red at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) —Kung hindi ka magsisikap at magsisipag, paano ka makakaahon sa kahirapan? Sa pag-ibig, laging gawing inspirasyon ang minamahal upang kumita ng malaking halaga. Mapalad ang 7, 15, 24, 34, 40 at 43. Mahiwaga mong mantra: : “Om-Agiel-Yophiel”. Orange at pinke ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Huwag makinig sa mungkahi ng iba. Sariling diskarte ang dapat upang mas mabilis kang umunlad. Sa pag-ibig sundin ang tinitipok ng puso upang tuloy-tuloy ka ng lumigaya. Mapalad ang 1, 10, 22, 28, 38, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Beige at lilac ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Sa darating na Valentine’s day wag ng regaluhan ng mamahalin bagay ang kasuyo, ang mas mahalaga yong kayong dalawa lang sa tahimik at pribahong silid. Sa pinansyal, madalas ang nagagawa ng pag-ibig ay hindi kayang gawin ng pera, manatiling tapat sa minamahal. Mapalad ang 2, 11, 25, 29, 33, at 34. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Green at yellow ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending