Bwelta sa talent manager ni Alden: ’Eat Bulaga’ ang tunay na nagpasikat sa AlDub | Bandera

Bwelta sa talent manager ni Alden: ’Eat Bulaga’ ang tunay na nagpasikat sa AlDub

Cristy Fermin |February 07,2016
facebook
share this

Bwelta sa talent manager ni Alden: ’Eat Bulaga’ ang tunay na nagpasikat sa AlDub

Cristy Fermin - February 07, 2016 - 02:00 AM

alden richards

Si Alden Richards ang napasama sa maling atake ng pagda-damage control ng kanyang manager na nagngangalang Carlites de Guzman.

Sa kagustuhan nitong burahin ang ikinakapit na imahe ng kawalan ng utang na loob ng kanyang alaga ay sinabi nito na luko-luko ang mga nagkakalat ng paninira kay Alden at makikitid naman ang utak ng mga naniniwala sa mga paninira.

Nag-ugat ang kuwento nang kumalat ang isyu na ni hindi man lang pinasasalamatan ni Alden ang isang taong nakatulong din nang malaki sa kanya, si Dudu Unay na nagpasok sa kanya sa Alakdana, inetsapuwera na lang basta ang taong naging bahagi rin ng career ng Pambansang Bae.

Aba, umarangkada agad ang bibig ng manager ni Alden, wala raw katotohanan ‘yun, ito raw ang tunay na nakatulong kay Alden at agent lang nito si Dudu Unay, hindi raw totoong walang utang na loob ang kanyang alaga.

Sa dami ng pinagsasabi ni Carlites ay nagbumerang sa kanya at kay Alden ang lahat. Maraming bumira sa Carlites na ito na akala mo magaling nang manager kung pumorma, samantalang hindi naman ito kundi ang kalyeserye ng Eat Bulaga at ang tambalan nila ni Maine Mendoza ang nagpasikat kay Alden, asyumera?

‘Yan ang mahirap kapag sumisikat na ang artista, kani-kanyang angkin na ng kredito ang mga taong nakapaligid sa kanya, mas nauuna pa ngang yumabang at lumaki ang ulo ng manager kesa sa artista.

Nakakaawa naman si Adlen Richards. Siya ang nalalagay sa alanganin ngayon dahil sa kagagawan ng kanyang manager na lumalatay kung makapagsalita. Damage control? Mas nadagdagan pa ng damage ang career ngayon ng Pambansang Bae dahil sa pagtungayaw ng kanyang manager.

Luko-luko at makikitid pala ang utak ng mga naniniwala sa mga paninira kay Alden, ha? May nagawa bang positibo para kay Alden ang matabil na dila ng kanyang manager?

Kailangan munang kumuha ng seminar ang Carlites de Guzman na ito mula sa mga datihan at magagaling nang manager na may napatunayan na sa paghawak ng karera ng mga artista.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending