Jodi planong magbakasyon sa Israel pagkatapos ng ‘PSY’ | Bandera

Jodi planong magbakasyon sa Israel pagkatapos ng ‘PSY’

Ervin Santiago |February 07,2016
facebook
share this

Jodi planong magbakasyon sa Israel pagkatapos ng ‘PSY’

Ervin Santiago - February 07, 2016 - 02:00 AM

jodi sta maria

MAY plano na si Jodi Sta. Maria pagkatapos ng Pangako Sa ‘Yo na isang linggo na lang mapapanood sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Sa farewell/thanksgiving presscon ng PSY kamakailan, sinabi ni Jodi na talagang nakakapagod at nakaka-stress ang paggawa ng teleserye lalo na kung kasinglaki at kasing bongga ng kanilang soap opera.

Hinding-hindi raw niya makakalimutan ang lahat ng experience niya sa show. “Well I am very thankful that Pangako Sa ‘Yo happened. I just realized that time flies so fast. It’s one great journey, it’s a one good experience. I will never forget this,” chika ni Jodi.

Hirit pa ng girlfriend ni Jolo Revilla, “Hindi madaling gawin si Amor Powers. I must say na isa ‘to sa pinaka-challenging na roles na nagawa ko sa aking career. Ang dami niyang layers, ang daming nangyayari sa buhay niya, sa journey niya bilang tao, bilang ina.

“I must say nahirapan talaga ako, mahirap siya gawin pero fulfilling naman na nagagawa mo ng maayos ang isang eksena,” chika pa ng aktres. Siyempre, hindi rin makakalimutan ni Jodi ang experience niya working with Ian Veneracion as his leading man sa serye.

In fairness, talagang gumawa ng marka ang tandem nila bilang sina Amor at Eduardo na kinakiligan din ng manonood. Nang matanong kung ano ang plano niya ngayong patapos na ang PSY? “Well after Pangako Sa ‘Yo is a break for me.

I will be spending the summer with my son so ‘yun muna. After that tingnan natin ang mga susunod na proyekto.” May mga bagong offer na sa kanya ang ABS-CBN management pero aniya, “Yes meron ng mga projects na pinipitch pero hindi pa naman siya konkreto so ayon.”

Pinaghahandaan na rin daw ni Jodi ang pagbabakasyon next month, “In March, I am going to Israel with a group of friends so were going on a Holy Land tour so very excited ako don, bagong experience naman.

“I’ve been to Israel five years ago but this time I know it’s going to be different, it’s going to be life changing for me. I am looking forward to learning more about the land of Jesus, to be able to walk again doon sa mga nilakaran niya, pinuntahan niya,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending