Renz tinotoo na ang panliligaw kay Kris | Bandera

Renz tinotoo na ang panliligaw kay Kris

Djan Magbanua - February 05, 2016 - 03:00 AM

KRIS BERNAL AT RENZ FERNANDEZ

KRIS BERNAL AT RENZ FERNANDEZ

Ni Djan Magbanua

WALA pa raw ka-date sa darating na Valentine’s day si Kris Bernal, pero meron daw tatlong guys na nanliligaw sa kanya ngayon.

Inamin ni Kris na wala pa siyang boyfriend ngayon at nag-e-entertain naman daw siya ng manliligaw.

Nabangit niya na ang ilan dito ay showbiz personalities pero meron din daw non-showbiz.

“Di naman ibig sabihin na nagpapaasa ako. Kumbaga ibig sabihin lang opening my doors and I’m open to having a love life, I’m 27 eh. I’m not getting any younger, it’s the marrying age na nga eh,” sabi ni Kris nang makachikahan namin sa taping ng seryeng Little Nanay ng GMA 7.

Biniro pa nga namin siya kung sino ang mas gusto niyang maka-date sa tatlong guys, aniya kung sino raw ang unang magyayaya sa kanya.

Maganda ang takbo ng career ngayon ni Kris dahil tumatak na talaga sa fans ang karakter niya bilang si Tinay, isang nanay na may problema sa utak. Talagang mahirap daw iarte ang role ni Tinay kahit hindi mabigat ang mga eksena.

“Kaya talagang pag may free time ako, I go out! I shop, I ask my friends out. Kumbaga bumabawi ako kasi ang bigat bigat ng pakiramdam eh,” sabi ng Kapuso actress.

Napamahal na rin sa kanya ang karakter kaya kung minsan naiiyak na lang si Kris sa idea na darating din ang time na kailangang i-let go niya si Tinay.

Nagpasalamat din siya sa AlDub Nation, dahil kasama sila na tumutulong sa pag-trend ng mga shows ng GMA at kasama na nga riyan ang Little Nanay.

Hoping pa rin si Kris na dahil nga sa Little Nanay marami pang magbubukas na oportunidad sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ngayon, may balak siyang kumuha ng culinary dahil hilig din niyang magluto atag-business din siya eventually.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending