MATIRA-MATIBAY GATAS O BEER? | Bandera

MATIRA-MATIBAY GATAS O BEER?

Angelito Oredo - February 03, 2016 - 03:00 AM

SMB-ALASKA

Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena)
7 p.m. San Miguel Beer vs Alaska (Game 7)
WALA nang bukas pa. Matira ang matibay. Mananaig ang mas gutom na koponan.
Paano man sabihin ay isa lang ang patutunguhan ng seryeng ito: Umaatikabong bakbakan para sa kampeonato ng PBA Philippine Cup.
Nanalo ang Alaska Aces ng tatlong sunod para makuha ang 3-0 lead ngunit humirit ng tatlong dikit na panalo ang San Miguel Beermen para itabla ang serye, 3-all.
Mag-uumpisa ang winner-take-all Game 7 alas-7 ng gabi mamaya sa SM Mall of Asia Arena, Pasay City.
Dalawang katanungan ang hinahanapan ng kasagutan ng dalawang naglalabang koponan.
Ang una ay kung makapagtala ba ng kasaysayan ang San Miguel Beer bilang kauna-unahang koponan na manalo ng titulo sa liga matapos na malubog sa 0-3 sa serye.
Ang ikalawa ay kung mapipigil ba ito ng Alaska at makaiwas maging tanging koponan na lumamang ng 3-0 pero natalo sa isang best-of-seven series sa isang championship round.
Dahil galing sa tatlong sunod na panalo ang Beermen ay kinukunsidera itong llamado sa laban ngayon lalo pa’t sila rin ang nagdedepensang kampeon sa torneyo.
Muling sasandalan ni San Miguel Beer coach Leo Austria sina June Mar Fajardo, Arwind Santos, Marcio Lassiter, Alex Cabagnot, Chris Ross at Gabby Espinas.
Si Alaska coach Alex Compton naman ay sasandig kina Vic Manuel, Calvin Abueva, Chris Banchero, Cyrus Baguio, Sonny Thoss, Dondon Hontiveros, Jayvee Casio at RJ Jazul.
Noong isang taon, tinalo ng SMB ang Alaska sa Philippine Cup Finals, 4-3. —Angelito Oredo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending