Michael Pangilinan biglang dinamba ng wild na fan, busalsal ang labi
BUSALSAL ang labi ng Harana Prince nating si Michael Pangilinan dahil sa left and right na pagdamba ng kaniyang screaming fans sa nakaraang show nito sa Xentro Mall sa Lemery, Batangas last Saturday, Jan. 30.
May isa kasing die-hard fanatic si Michael na talagang halos humiga na sa stage habang siya’y nagpi-perform. Lundag nang lundag ang girl at talagang dinamba nang todo si Michael kaya tumama ang microphone sa bibig ng singer sanhi upang dumugo ito.
“Sa totoo lang, masakit yung pagkadamba niya pero hindi ko naman makuhang magalit dahil alam ko namang hindi naman niya kagustuhan ang pangyayaring iyon. Sobra lang siyang natuwa dahil kinantahan ko siya sa stage. Mas nangibabaw ang pagkatuwa ko sa kaniya – yung asta niya kasi ay parang nanalo siya sa lotto. Nakakaloka yung girl na iyon.
“After niyang bumaba ay napansin kong may dugo sa lips ko nang punasan ko ng bimpo ang pawis ko while performing. Mabilis namang maghilom ang sugat sa lips eh though medyo mahapdi nga lang. Pero sobrang saya ko seeing my fans na naglulundagan as I sing. Many of them sang with me pa kaya balewala yung pagtama ng mic sa bibig ko. I will be more careful na lang next time.
“Sana lang huwag masyadong mandamba. Yung iba naman kasi, pag bumababa na ako ng stage nanghahawak pa ng harapan o di kaya hinahawakan ang buhok ko. Iyon pa naman ang ayoko, yung hinahawakan ang buhok ko. Honestly, mas naiinis ako pag hinahawakan ang buhok ko more than yung harap ko. Pero siyempre ayoko ring hinahawakan yung harapan ko, parang OA na, di ba? Mahal ko lang talaga sila (mga fans) kaya tinitiis ko na lang. Ha-hahaha!” ani Michael na pinagkaguluhan din sa Xentro Mall sa Calapan, Oriental Mindoro at sa Brgy. Manoot, Rizal (San Jose, Occidental Mindoro) the day after.
Si Michael na nga ang pinakamainit na male performer natin these days. Gosh! Kung maririnig niyo lang ang nakabibinging hiyawan ng kaniyang mga tagahanga tuwing may mall show siya, nakakaloka. Tuwang-tuwa sila lalo pag gumigiling na si Michael sa stage. Ang husay kasing mag-entertain ni bagets – talagang na-master na niya ang stage performance everywhere. Alam niya kung papaano painitin ang kaniyang audience. Iyon nga lang, ingat lang siya nang konti dahil maraming nagsasamantala sa kaniya. Ilang beses na bang pumutok ang labi ni Michael dahil sa palaging nadadamba. Parang di ko na yata mabilang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.