MANANG,
I’m Lyn Garcia, 22, from Tanauan, Leyte. Good morning po.
I need some help. Ano po ang dapat kong gawin kasi nagkaroon ako ng sakit sa lungs. Medyo malaki na po ang nagastos naming mag-asawa. Nabaon na po kami sa utang. Gusto ko na po sanang magtrabaho kasi medyo OK na naman ang katawan at pakiramdam kaso ayaw ng asawa ko. Sa ngayon ay di ako nakakapanahi. Ano po kaya ang pwede kong gawin?
Salamat po.God bless.
Hi Lyn, thank you for your message. Sa ti-ngin ko ay dapat palakasin mo muna ang katawan mo at tibayan ang iyong kalooban. Makakalampas din kayo sa pagsubok na ‘yan.
Unahin mo ang pagpapagaling sa sarili at ingatan mo ang iyong kalusugan ng magtuloy-tuloy na ang iyong pagrecover. Maging malakas ka at magsilbing inspirasyon sa iyong asawa. I think ‘yon ang kinakailangan ninyo.
Ipakita mo na lumalaban ka sa karamdaman at magkaroon ng positibong disposisyon sa buhay. A little sense of humor goes a long way too. Pasalamatan mo ang asawa at iparamdam sa kanya ang iyong pagmamahal sa kabila ng pagsubok. Huwag din kalimutan ang magdasal. Ang payo ng tropa:
Hello Lyn,
Madali lang din gamutin ang iyong sakit basta susunod ka lang sa tamang payo ng iyong doktor para ikaw ay gumaling.
‘Wag kang masyadong mag-iisip ng kung anu-ano, kasi unang-una makakasama iyon sa iyong kalusugan. Kailangan mo maging malakas at matatag.
Isipin mo lagi na masuwerte ka na laging nasa iyo ang suporta ng asawa mo at pagmamahal niya. Ang importante magpalakas ka ng katawan, kumain ng masustansyang pagkain; gulay ang pinaka the best.
Ang pinakaimportante lagi kang magpasalamat at humingi ng tawad sa Diyos, dapat lahat ng nangyayari sa ating buhay ay dapat natin ipinagpapasalamat sa Diyos, maging negative or positive dahil may purpose siya para sa atin.
Oki! Pagaling ka at God bless you always.
Ate Jenny May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
