2 empleyado ng NIA patay sa aksidente sa Quezon
PATAY ang dalawang empleyado ng National Irrigation Authority (NIA) matapos ang isang aksidente sa construction site sa San Antonio, Quezon noong Lunes ng tanghali, ayon sa pulisya.
Sa isang ulat ng Quezon police public information office, sinabi nito na kabilang sa mga nasawi ay sina Alejandre Soriano Nidoy, 58, chief engineer ng National Irrigation Authority (NIA) sa barangay Callejon, San Antonio, at Jeffrey Atole Murphy, 36, isang construction worker.
Namatay ang dalawa matapos namang mabangga ng isang cement mixer truck.
Ayon pa sa ulat, nangyari ang aksidente ganap na alas- 1:30 ng hapon nang hapon.
Minamaniobra ni Ruben Reyes Banayo, driver ng Isuzu mixer truck (ZDS 557) ang sasakyan na puno ng hinalong semento pababa sa burol na construction site, nang mawalan ng kontrol ang sasakyan at masagasaan ang ang dalawa na hindi namalayan ang paparating na sasakyan.
Tinamaan din nito ang nakaparadang motorsiklo bago ito tuluyang huminto.
Nakakulong ang driver ng trak sa town police jail at nahaharap sa mga kasong reckless imprudence resulting to double homicide at damage to property, ayon pa sa ulat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.