MARAMING tsuper ng jeep ang tumangging ipatupad ang pagbaba sa P7 ng minimum fare sa mga pampasaherong jeep sa NCR, Region 3 at Region 4.
Sa Quezon City at Maynila, ilang pampasaherong jeep ang nanatiling P7.50 ang singil sa unang apat na kilometro ng biyahe.
Sa Makati City naman, ang ilang jeep na biyaheng Pateros-Guadalupe at PRC- Magallanes ay hindi pa rin nagbaba sa singil sa pasahe.
Katwiran ng mga tsuper, wala pa umano silang fare matrix mula sa LTFRB. Hindi naman na nakipagtalo ang mga pasahero.
Pero ang mga shuttle na may biyaheng Vito Cruz-CCP Complex ay nagpatupad na ng bawas na singkwenta sentimos sa pamasahe.
Hinikayat ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga pasahero na isumbong sa kanila ang mga driver na tumatangging ibaba ang singil sa pasahe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending