Wag nang magbigay ng bulaklak, i-donate na lang sa foundation | Bandera

Wag nang magbigay ng bulaklak, i-donate na lang sa foundation

Jobert Sucaldito |January 12,2016
facebook
share this

Wag nang magbigay ng bulaklak, i-donate na lang sa foundation

Jobert Sucaldito - January 12, 2016 - 02:00 AM

jake vargas

ARAW-GABI ay maraming celebrities ang dumadalaw sa burol ng mahal nating si Kuya Germs sa Mt. Carmel Shrine near Broadway Centrum, sa Q.C..

Punumpuno ng magagandang bulaklak ang chapel kaya nakikiusap ang nag-iisang anak ni Kuya Germs na si Federico Moreno na kung maaari ay huwag nang magbigay ng flowers – sayang lang daw kasi ang perang pambili nito – mas mabuti pang instead na ibili ng bulaklak ay i-donate na lang sa foundation nila na maaari n’yong i-check sa Facebook account ni Federico.

And one good thing about the wake ay hindi nila ipinagkait si Kuya Germs sa mga gustong dumalaw. Walang network war – everyone is welcome. Maayos ang traffic sa mga bisitang dumarating.

Maraming tao most especially during the evenings. Ngayong gabi ang last wake ni Kuya Germs sa Mt. Carmel – bukas ay dadalhin na siya sa GMA 7 at doon ibuburol for a night bago siya ihahatid sa kaniyang huling hantungan sa Huwebes ng umaga.

Ang Sampaguita Pictures ang sponsor sa wake tonight, they will serve dinner for the Sampaguita stars na dadalo. Siyempre, bukas pa rin ito sa lahat na gusto siyang masilip. Napakalungkot namin sa pagpanaw ni Kuya Germs – napakarami kasing nagmamahal sa kanya.

Nagbaha ng luha nu’ng Sabado ng gabi during the live telecast ng Walang Tulugan. Kaniya-kaniyang tribute ang bawat celebrity na sumama sa show. Nakakaawa ang mga kabataang members ng Walang Tulugan dahil iniwan na siya ng kaniyang tatay-tatayan.

Some are asking kung saan na sila pupunta – paano na nga pala sila? “May mga board meeting pa ang executives ng GMA kung itutuloy pa ang show na ito in honor of Kuya Germs. Kung sakaling itutuloy ang Walang Tulugan, probably si John Nite (pamangkin ni Kuya Germs) na ang magho-host nito.

Hindi naman siya nalalayo sa style ni Kuya Germs, di ba? Nagsusuot din naman si John ng suits na may glitters at bagay naman sa kaniya, in fairness ha,” anang isang taga-Siyeteng nakausap namin.

Walang Tulugan started with an opening song (The Prayer) mula sa napakagaling na mag-inang Dulce and David. Sinundan ito ng awitin ni Tita Pilita Corales bago kumanta si Mark Mabasa and some friends.

After that ay inalayan sila ng isa sa paboritong anak-anakan ni Kuya Germs na si Michael Pangilinan ng awiting “Hanggang” na isa sa favorite songs niya.

Nangilabot kami sa ganda ng pagkakanta ni Michael bago ito sinundan ng nakakakilabot na song ni Jake Vargas, ang pinakamamahal na alaga ni Kuya Germs. Jake sang “Mahal Na Mahal Kita” with all his heart, he was teary-eyed habang kinakanta at damang-dama namin ang lungkot sa pagkanta niya.

Tears kept falling sa mga mata namin. Nakakaloka ang gabing iyon – very nostalgic. Walang Tulugan was hosted that night by John Nite, Jackielou Blanco, Mariz, Jean Garcia, Shalala, among others.

Present din sina Ken Chan, Ruru Madrid (who had to leave right away dahil meron daw siyang early morning work) and many former That’s Entertainment stars. Dumating din ang isa sa closest musical directors ni Kuya Germs na si Tito Butch Miraflor.

“Makaalis na nga sa tabi mo. Nakakahawa ang iyak mo eh,” biro ni Tito Butch sa akin habang pahid ako nang pahid ng luha while Michael and Jake sang one after the other. Nakakalungkot naman kasi talaga kaya naging emotional ako.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nakakatuwa in a way kasi nga napakarami talagang nagmamahal sa ating pumanaw na kapatid.
Sobrang busy ang mga sekretarya ni Kuya Germs na sina Chuchi and Tita Carmelites.

Same with Vera and Jocelyn and many others. Everyone who came truly paid respect to our dear departed loved one. Iba talaga si Kuya Germs – he truly is a man of honor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending