Heart: Hindi makasarili ang asawa ko! | Bandera

Heart: Hindi makasarili ang asawa ko!

Ervin Santiago - January 09, 2016 - 02:00 AM

heart evangelista

SUPER excited na ang Kapuso actress na si Heart Evangelista para sa pagdiriwang ng first wedding anniversary nila Sen. Chiz Escudero. Ikinasal ang dalawa sa Balesin Island noong Feb. 15 last year.

Inaasahang magkakaroon ng simpleng salu-salo sa kanilang bahay sa Quezon City ang mag-asawa kasama ang kanilang mga pamilya para sa kanilang renewal of wedding vows katulad ng mga naunang sinabi ni Chiz.

Ito ay para umano magkaroon sila ng wedding picture kasama ang mga magulang ni Heart dahil hindi nakasama ang mga ito sa kanilang Balesin wedding buhat na rin ng kanilang naunang hindi pagkakaintindihan.

Ang okasyon, na papatak isang araw pagkatapos ng 31st birthday ni Heart sa Peb. 14, ay magsisilbi ring isang pasasalamat para sa lalong gumagandang relasyon sa pagitan ng kanilang mga pamilya, ayon na rin kay Chiz.

Lubos naman ang pasasalamat ni Heart sa kanilang isang taong pagsasama ni Chiz na aniya’y punumpuno pa rin ng pagmamahal at mga bagong challenges. “I like being married a lot! I feel very much secured.

I feel like I have a solid home. I feel that even there is ‘gulo’ outside your world or whatever you go through like controversies, at the end of the day, you have this home and not everybody gets this solid home. It’s comforting,” sabi ni Heart sa isang interview.

Malaki raw ang pasasalamat ng aktres sa kaniyang asawa lalo na sa ibinibigay nitong suporta sa kaniya di lamang sa kaniyang pag-aartista kung hindi sa kaniyang ibang projects tulad ng pagpipinta at pagsusulat ng libro.

“I don’t have a selfish husband and I think that’s a huge factor. I don’t know if because he’s older but he allows me to do whatever I want so that’s why I kind of spread my wings a bit more now that I got married. I’m like, ‘I’m ready for the world!’” sey ni Heart.

Kamakailan ay ni-launch ni Heart ang kaniyang “This is Me, Love Marie,” beauty book na inilathala ng Summit Books na mabentang-mabenta pa rin hanggang ngayon.

Bago ang wedding anniversary nila ni Chiz ay magiging busy muna sa mga susunod na araw si Heart dahil sa pagkumpleto niya sa kaniyang artworks para sa nalalapit niyang exhibit na “Oceans Apart” sa Ayala Museum mula Enero 30 hanggang Peb. 9.

Bukod dito nakipagsanib-pwersa rin si Heart bilang isang artist (painter) sa kilalang fashion designer na si Mark Bumgarner para sa kanyang bonggang 2016 collection.  Ang galing sa pagpipinta ni Heart o mas kilala bilang Love Marie sa mundo ng arts ang gagamitin ni Mark sa kanyang latest creations.

Nagsimula ang pagkakaibigan at business partnership ng dalawa nang bumisita si Love Marie kay Mark for the first time para mag-fit ng kanyang mga gown para sa isang event.

Pagkatapos ng ilang oras na chikahan at biruan, naging close na nga sina Heart at Mark hanggang sa magkasundo na maging partner ngayong taon para sa gagawin nilang 2016 collection.

In doing so, it gives them an opportunity to think beyond the bounds of tailoring and designing gowns. It, as a matter of fact, makes them brainstorm future numerous projects that they can do with design and art.

At para sa una nga nilang collaboration, “It came from art, gardens, and a certain technique. There’s not one inspiration that I draw from”.  Love Marie, on the other hand, stated that their dresses exemplify “femininity”, “It gives you an instant feeling of beauty when you wear these dresses.

It’s like staring at a painting but actually wearing them”.  According to Mark and Heart, the entire collection is composed of 40 dresses while 15 of it was painted by Heart.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ibinalita rin nila na magkakaroon ng fashion show gala sa Jan. 18 na gaganapin sa Dusit Thani Ballroom, at dito, isang “silent auction” ang magaganap, where all proceeds will go to the Corridor of Hope Foundation (and Thalassemia International Association (formerly Balikatang Thalassemia Foundation).

Ang nasabing fashion show ay ipoprodyus ng Fearless Productions with co-presenters Mazda and Dusit Thani Manila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending