Gina Pareño bagong kalaban ni Coco sa Ang Probinsyano

By Ervin Santiago January 07,2016
share this

Gina Pareño bagong kalaban ni Coco sa Ang Probinsyano

By Ervin Santiago January 07,2016
share this

coco martin

Tuloy si Cardo (Coco Martin) sa pagsugpo sa katiwalaan sa bago niyang misyon na labanan ang sindikatong pinangungunahan ni Olga (Gina Pareño) sa mas tumitinding tagpo sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Matapos mapagtagumpayang tugisin si Ninong (Ronaldo Valdez), ang pagkidnap naman ng grupo ni Olga kay Noemi (Sunshine Garcia) ang iimbestigahan ni Cardo.

Mas lalo pang magiging determinado si Cardo sa pagtugis sa mga kawatan dahil mabibiktima rin nito si Carmen (Bela Padilla) at ilalagay sa panganib ang kanyang buhay.

Anong gagawin ni Cardo upang mapigilan ang pambibiktima ng sindikato? Maligtas kaya ni Cardo si Carmen mula sa kamay ni Olga?

Huwag palampasin ang mga maaksyong tagpo sa Ang Probinsyano, gabi-gabi sa ABS.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending