Daniel nag-iisang superhero sa buhay ni Kathryn | Bandera

Daniel nag-iisang superhero sa buhay ni Kathryn

Ervin Santiago - January 06, 2016 - 02:00 AM

daniel padilla

Kahit hindi pa rin umaamin hanggang ngayon sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, muli nilang pinatunayan sa buong mundo na mas naging matatag pa ang kanilang relasyon sa kabila ng mga kontrobersiyang pinagdaanan nila noong 2015.

Sa katunayan, sa isang simpleng post ni Kathryn sa Instagram patungkol kay Daniel ay muli nilang pinakilig ang kanilang mga tagahanga na umaasang ngayong 2016 ay aamin na sila sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Isang litrato ni DJ ang ipinost ni Kathryn sa kanyang IG account kung saan tinawag niyang “protector” ang aktor. Kilig pa more ang KathNiel fans sa gesture na iyon ni Kathryn na ang ibig sabihin – si Daniel pa rin ang nananatiling superhero sa kanyang buhay.

Nitong nakaraang holiday season ay nagbakasyon sina Daniel at Kathryn sa Japan kasama ang kani-kanilang pamilya. Mismong ang nanay ni DJ na si Karla Estrada ang nag-post ng picture sa kanyang IG account kung saan makikitang magkasama sina Daniel at Kathryn sa Universal Studios.

Ayon sa ilang KathNiel fans, tila isang fan art ang nasabing litrato na may nakalagay na “kchandriaford” o combination ng pangalan ni Kathryn (Kathryn Chandria Manuel Bernardo) at apelyido ni Daniel (Daniel John Elago Ford).

Kaugnay nito, gumawa ng bagong IG account si Daniel na may handle name na “supremo_dp.” Mabibilang pa lang ang mga litratong naka-post dito, kabilang na ang isang picture na may caption na: “Everybody wants me to be what they want me to be.

I’m not happy when I try to fake it,” na hango sa lyrics ng kanta ni Lionel Richie na “Easy.” Samantala, patuloy na subaybayan ang book 2 ng Pangako Sa ‘Yo nina DJ at Kath dahil tiyak na marami pa kayong ikagugulat na mga eksena, lalo na ngayong isa-isa nang nabubuking ang mga lihim ng bawat karakter sa kuwento.

Asahan din ang mas marami pang madadramang tagpo at nakakalokang confrontation scenes sa pagitan nina Amor Powers (Jodi Sta. Maria), Eduardo (Ian Veneracion) at Madam Claudia (Angelica Panganiban) sa pagpapatuloy ng kuwento ng Pangako Sa ‘Yo sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending