2015 MMFF entry nina Vice at Coco no. 1 na | Bandera

2015 MMFF entry nina Vice at Coco no. 1 na

Alex Brosas - January 06, 2016 - 02:00 AM

vice ganda

PINATUNAYAN ni Vice Ganda na siya pa rin ang “reyna” ng Metro Manila Film Festival 2015 dahil nangunguna na ngayon sa takilya ang kanyang “Beauty and the Bestie” movie.

Sa isang post ni Star Cinema Adprom director Roxy Liquigan, he said, “NUMBER 1! #BeautyAndTheBestie!!!” Mukhang nagkatotoo ang feeling namin na aariba talaga nang husto ang movie ni Vice sa one week showing nito.

By word of mouth kasi ay kumalat na maganda ang movie, na nakakatawa ito talaga. Tuwang-tuwa nga ang gay comedian sa box-office result ng comedy film niya na nagtampok din kina Coco Martin, James Reid and Nadine Lustre.

“300Million THANKS to you Madlang People for making us number 1 in your hearts. #BeautyAndTheBestieSecondWeek,” tweet ni Vice recently. Mukhang nara-rattle na ang mga maka-Aldub sa latest news na number one na sa box-office ang “Beauty and the Bestie” ni Vice.

Apparently, masyado silang na-shock sa balitang naungusan na ng movie ni Vice ang pelikula nina Vic Sotto, Ai Ai Something, Alden Richards at Maine kaya naman kinakalampag na nila ang kanilang minions sa social media.

Sa isang post ay parang nagmamakaawa na ang Aldub fans na muling ibalik sa dating puwesto ang movie nina Alden at Maine. Bothered na bothered sila na na-dislodge sa number one position ang movie ng Aldub.

Worried na worried sila kaya naman nagmamakaawa na sila sa Aldub fans na suportahan ang movie ng idols nila. Obviously, they didn’t see it coming. Na malalagpasan ang kinita ng movie nila ang box office result ng “Beauty and the Bestie.”

Actually, ang negang review ang nagpabagsak ng box-office return ng movie nina Alden at Maine. Puro nega kasi ang nasusulat about the movie, na sandamakmak ang commercial nito, bagay na ikina-turn off ng maraming manonood.

Hindi rin tight ang kuwento at marami daw walang kuwentang eksena. Added to it ay ang old jokes.
Kabaliktaran naman ito ng “Beauty and the Bestie” na naging word of mouth after a few days of showing.

Ito ang dahilan kung bakit until now ay pinipilahan pa rin ang movie ni Vice Ganda.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending