Cristine tuloy sa pagpapaseksi kahit may anak na
RATSADA kaagad ang Viva Films sa unang buwan pa lang ng 2016. Malapit nang ipalabas ang first movie nila this year na “Lumayo Ka Nga Sa Akin” na isang trilogy starring Maricel Soriano, Quezon City Mayor Herbert Bautista, Cristine Reyes, Benjie Paras, Candy Pangilinan, Paolo Ballesteros, Jayson Gainza, Antoinette Taus at Shy Carlos.
Sa ginanap na presscon ng pelikula sa Music Hall, Metrowalk, Ortigas ay walang tigil sa katatawa ang ilang katoto dahil sa mga nakakatawang sagot ng buong cast (minus Bistek).
At karamihan din sa entertainment writers ay natuwa nang makita muli ang nag-iisang Diamond Star dahil matagal-tagal na rin siyang hindi napapanood sa malaking telon, pati na rin si Cristine na nag-lie low naman nang mabuntis at manganak.
Kaya naman ang tanong kay AA (palayaw ni Cristine) ay tungkol sa balak nilang pagpapakasal ng ama ng kanyang anak at fiancée na si Ali Khatibi. Sabi ng aktres, “Yes, we plan to make things right this year and we’re hoping for the better, ‘yung future ng family namin, ni Ali and Amara (her baby), of course.”
Pero civil wedding daw muna ang magaganaop ngayong buwang ng Enero, “I mean, civil, meaning, Christian po, hindi po siya sa huwes or something, sa ibang lugar po. Tapos, ‘yung big wedding, we will plan it pa lang, kasi since marami kaming trabaho ngayon ni Ali na ginagawa, we cannot plan right away for the big wedding.
So, right now, we plan to do ceremony, ‘yung kami-kami lang, intimate lang po. “Ang plano po namin, ako, si Ali and ‘yung pastor namin and witness, ‘yun lang po,” pahayag ni Cristine. At maski na may pamilya na si Cristine ay hindi pa rin daw siya titigil sa pagtatrabaho, “Mas maraming trabaho, mas okay.”
Tatanggap pa ba siya ng sexy role, “Depende po siguro ‘yun sa project,” mabilis niyang sabi. Hindi naman magiging sagabal si Ali rito, “Si Ali, maintindihin naman ‘yan sa mga bagay. Kung ma-explain mo sa kanya na maganda ‘tong project na ‘to, I’m sure approved naman sa kanya if ever.”
At pinasok na rin pala ni Ali ang showbiz dahil kamakailan lang ay pumirma na ito ng kontrata sa Viva, “Viva signed him up. Sa ano siya, eh, Viva Sports. But then again, pinag-workshop siya sa acting,” kuwento ng aktres.
Ang Viva raw ang kumumbinsi kay Ali, “they (Viva) want to. Tawa nga lang siya nang tawa, eh. Sabi niya, hindi niya alam ang ginagawa niya. Pero we’ll see. Sabi ko naman sa kanya, kung merong kumakatok sa pinto mo, alam mo ‘yun? Hindi naman lahat ng tao kinakatatukan ng pinto, eh.
Bakit hindi mo buksan?” “Noong una, natakot ako, baka mamaya, alam mo ‘yun, ang daming temptation diyan. Pero sa pagkakakilala ko naman kay Ali, ano eh, ayokong sabihing kampante pero I trust him enough,” pahayag ng future wife ni Ali.
Mapapanood na ang “Lumayo Ka Nga Sa Akin” sa Enero 13 mula sa direksyon nina Mark Meily, Andoy Ranay and Chris Martinez produced ng Viva Films.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.