6K pulis, sundalo sasabak sa Nazareno | Bandera

6K pulis, sundalo sasabak sa Nazareno

John Roson - January 05, 2016 - 05:24 PM

nasareno
Aabot sa 6,000 pulis at sundalo ang ikakalat para magpatupad ng seguridad sa prusisyon ng Itim na Nazareno sa Maynila sa darating na Sabado, ayon sa mga otoridad.

Mahigit 5,000 pulis, kung ssan karamiha’y galing sa Manila Police District, ang ikakalat sa mga lansangan, sabi ni Dir. Joel Pagdilao, hepe ng National Capital Region Police Office.

Naghanda ng aabot sa 900 sundalo na naka-“opcon,” o operational control, sa Joint Task Force NCR para sumuporta sa pulisya, sabi naman ni Col. Restituto Padilla, tagapagsalita ng Armed Forces.

Di pa kasama sa bilang ang nasa 1,680 enforcer na ikakalat ng Metro Manila Development Authority para tumulong sa pagpapatupad ng seguridad at pagsasaayos ng daloy ng trapiko.

Inaasahan na muling dadagsain ng libu-libo, o posibleng milyun-milyon, na deboto ang prusisyon ng umano’y nagmimilagrong imahen mula sa Quirino Grandstand, Rizal Park, hanggang sa Basilica Minore, Quiapo.

Dahil sa taun-taon ay may mga nasasaktan at hinihimatay sa prusisyon, kabilang sa mga ikakalat na pulis at sundalo ay miyembro ng medical teams.

Nanawagan ang AFP sa mga dadalo at organizer ng prusisyson na huwag hayaang maulit ang mga aksidenteng nangyari noong mga nakaraang taon.

“‘Wag ‘nyo pong pababayaan na ang damdamin niyo ang mangibabaw kasi dun po nagsisimula ang mga aksidente… So pag sinabi po na wag aakyatin ang Poon, sana po ‘wag niyo pong gawin. At wag po kayong sisingit kung kayo ay may karamdaman,” ani Padilla.

Bukod sa aniya sa medical teams ay magpapakalat din ang militar ng mga sundalong may kakayanan sa search and rescue, at sanay sa pagliligtas gamit ang helicopter.

Naghanda din aniya ng mga kawal na sanay sa larangan ng explosives and ordnance disposal at K-9 units ang AFP, kahit pa walang namo-monitor na banta sa pruisyon.

“So far po, sa part ng AFP, walang nakikitang balakid sa pagsasagawa ng prusisyon. Ganun din po ang namo-monitor ng kapulisan,” ani Padilla.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending