LOOK: Wedding invitation nina Vic, Pauleen ready na
TULOY na tuloy na nga ang kasal ng magkasintahang Vic Sotto at Pauleen Luna dahil nagpasilip na ang dalaga ng kanilang wedding invitation.
Sa kanyang Instragram account, ipinakita ni Pauleen ang ilang sobre ng sinasabi niyang wedding invite na ipamimigay sa piling mga kaibigan at pamilya.
Sa kanyang post, nagpasalamat si Pauleen kay Oats Tiu na siyang nag-calligraphy sa kanilang wedding invitation.
“Good morning! I would like to thank @oatsdiy for the beautiful calligraphy on some of our invites! Looking forward for more! ?” ayon sa post ng soon-to-be-wife ni bossing Vic.
Bago pa ipakita ni Pauleen ang kanilang imbitasyon, nag-post din ito ng bahay na kanilang titirhan ng kanyang magiging mister, na binindisyunan noong Enero 1.
Wala pa ring nakakaalam kung kelan at saan gagawin ang kasal.
Sa isang panayam, sinabi ni Pauleen na gusto nilang maging pribado ang kanilang kasal.
Noong Setyembre, kinumpirma ni Vic na ikakasal na siya kay Pauleen matapos ang apat na taong pagiging mag-on.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.