Para sa may kaarawan ngayon: Ingatan ang salapi na natitira pang hawak. Sa pinansiyal, sa padasko-daskol na paggastos masisimot na naman ang laman ng bulsa. Sa pag-ibig, iwasang apurahin ang pakikipag-relasyon upang hindi na muling lumuha. Mapalad ang 1, 13, 22, 31, 34, at 46. Ang mahiwaga mong mantra sa taong ito: “Slowly but surely.” Yellow at purple ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Inobasyon ang dapat! Sa taong ito ng 2016 kailangan mong maging malikhain, upang lalo pang madagdagan ang kinikita. Sa pag-ibig, dispatsahin na ang lumang ka-relasyon, palita siya ng bago, na mayaman. Mapalad ang 3, 15, 24, 33, 47 at 49. Mahiwaga mong mantra sa taong ito ng 2016: “Babanam-Kebalam.” Red at orange ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Sa pagsisimula ng taong ito ng 2016 wag ibinbin ang mga gawain. Kikita ng mas maraming pera kung tatapusin agad ang mga nasimulan. Sa pag-ibig, pahinga muna sa romansa, mas kailangan pahalagahan ang mga bagay na pagkakaperahan. Mapalad ang 6, 9, 18, 23, 34, at 41. Mahigawa mong mantra: “Aum-Nahatha-Mandala-Om”. Pink at beige ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Sa pagiging happy lalong gaganda ang kapalaran ngayong 2016. Sa pinansiyal, lalo pang magtipid upang lalong dumami ang ipon. Sa pag-ibig, kapag happy kayo ng iyong kasuyo lalong sasarap ang romansa. Mapalada ng 5, 18, 23, 27, 33, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Raga-Kastha-Vaanam-Om.” Blue at lilac ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Sa taong ito ng 2016 magmadali! Walang pag-unlad na makakamit kung lagi kang babagal-bagal. Gumising ng maaga at tapusin agad ang mga gawain. Sa pag-ibig, wag papatay-patay, romansahing mainam ang kasuyo. Mapalad ang 2, 16, 25, 39, 42 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Nakiel-Aum-Kedemel.” Green at purple ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Sa taong ito ng 2016 iwaksi ang katamaran! Sa dobleng pagsisipag mas malaking halaga ng salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, dagdag na “effort” ang kailangan, upang higit na mapaligaya ang kasuyo. Mapalad ang 4, 19, 25, 31, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Agiel-Aum-Zazel.” Orange at pink ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— Sa taong ito ng 2016 baguhin ang maling ginagawa. Sa pagbabago at dagdag na inobasyon, mas maraming salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, bagong romansa ang kailangan upang muling uminit ang pagmamahalan. Mapalad ang 3, 18, 27, 30, 39 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Githa-Om.” Red at lilac ang buenas
Libra – (September 23-October 23)—Iwasan ang haling na relasyon upang hindi mapahamak. Sa pinansiyal, kung makikipag-relasyon sa maling nilalang, problema lang ang idudulot nito. Sa pag-ibig, sa pagiging tapat sa kasuyo mas pagpapalain ang relasyon at mas magiging maligaya ang 2016. Mapalad ang 3, 18, 27, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Chandaya-Om-Govinda.” Red at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Disiplina ang magpapaunlad ng kabuhayan ngayong taong ito ng 2016. Wag abusuhin ang katawan sa mga gawaing wala namang kabuluhan. Kailangang humaba ang buhay, upang matamasa mo ng lubos ang napipinto mong pagyaman. Mapalad ang 5, 18, 32, 34, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Kadad-Bra.” Blue at gray ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Hindi dapat magpadaig sa iba! Sa pinansiyal, lalo mo pang pagbutihin ang inaaturga upang umangat ng todo ang kita. Sa pag-ibig, wag kabahan, higit na mas malakas ang iyong karisma kaysa sa iyong karibal. Mapalad ang 6, 18, 27, 25, 34, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We.” Green at magenta ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Mag-isip ng dagdag na pagkakakitaan. Malaking halaga ang kikitain sa produktong may kaugnayan sa agrikultura at mga butil. Sa pag-ibig, gamitin ang kasuyo upang madagdagan ang iyong kinikita. Mapalad ang 4, 8, 27, 32, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Govinda-Rama.” Violet at pink ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— Sa taong ito ng 2016 laging lumabas ng bahay. Sa pinansiyal, sa pakikisalamuha sa lipunan, maraming salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, wag buruhin ang sarili sa loob ng bahay, sa labas ng bahay, may bagong pag-ibig at magandang kapalarang mararanasan. Mapalad ang 4, 15, 19, 28, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Josvani-Om.” Red at yellow ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— Sa taong ito ng 2016 tuparin ang pangako! Maraming umaasa sa iyo, kaya lalo mong pang ibigay ang the best! Sa pag-ibig, wag tanggihan ang kasuyong humihingi ng romansa. Mapalad ang 8, 16, 25, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Black at lilac ang buenas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
