Susan bilib sa katatagan ni Grace; tuloy ang dasal para sa anak
Hindi nagkulang ang movie queen na si Ms. Susan Roces sa pagbibigay ng pangaral sa kaniyang anak na si Sen. Grace Poe tungkol sa mga hamon ng buhay.
Kaya naman kumpyansa siya na malalampasan ni Grace ang mga pagkilos ng mga ka-laban ng anak sa pulitika upang maetsapwera ito sa halalan.
Sa isang panayam, sinabi ni Grace na malakas ang loob niya na lumaban sa mga problema dahil ganoon siya pinalaki ng movie royalties na sina Ms. Susan at Da King Fernando Poe, Jr..
“Growing up, I’ve had many struggles. But my Mom always tells me, ‘magdasal ka, magtrabaho ka at tibayan mo ang loob mo,’”ani Grace patungkol sa inang napapanood gabi-gabi sa Primetime Bida series ng ABS-CBN na Ang Probinsyano.
“Even when I was a child, she was never over protective because she believes that a healthy dose of disappointment can build character,” dagdag pa ng senadora na tumatakbong pangulo katambal si Sen. Chiz Escudero.
Lalo nga raw tumatapang ang anak ni Da King sa gitna ng mga panggigipit ng mga kalaban sa pulitika.
“Pag masyado kang bi-nubugbog, mamamanas na rin ang mukha mo.
Ang dasal ko lang ay maging mas matapang pa ako pero ‘wag mawala ang aking pagiging sensitibo sa pa-ngangailangan ng nanga-ngailangan,” sabi ni Grace.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.