Kris maligaya sa Bagong Taon dahil kay ‘Viber friend’ | Bandera

Kris maligaya sa Bagong Taon dahil kay ‘Viber friend’

Ervin Santiago - January 02, 2016 - 02:00 AM

kris aquino

In love na nga ba uli ngayon si Kris Aquino? ‘Yan ang tanong ng kanyang followers sa social media at ng mga tumututok sa kanyang morning show na Kris TV.

E, kasi nga, sa isang episode ng kanyang programa ay inamin ng TV host na super happy siya ngayon dahil sa kanyang “Viber friend.” Bukod daw sa kanyang pamilya, mga anak at mga kaibigan, mas makulay daw ang kanyang buhay ngayon dahil sa kanyang new found friend.

“It’s nice to have a Viber mate… Ang babaw, ano? Happy na ako doon kasi I’m so busy eh. Kahit Viber lang, paggising ko, may selfie na siya, ang cute,” ang nakangiting chika ng mommy ni Bimby sa nasabing episode ng Kris TV.

Ipinakita pa nga ni Kris ang picture ng kanyang “Viber friend” sa mga kasama niya sa show na sina Darla Sauler, K Brosas at Marlo Mortel. Pero tumanggi siyang ipakita ito sa camera dahil nga “private person” daw ito.

Kinikilig pa nitong ipinasilip ang ilan sa mga mensahe ng kanyang “Viber friend” sa mga kasama niya sa show, “Tignan mo ‘yung sinabi niya, ‘so pretty. O ‘di ba, ang saya na ‘nun? ‘Yun lang ang gusto ko, a Viber friend.”

Ibig sabihin ba nito, nakalimutan na niya talaga si Herbert Bautista? O, baka naman isa na naman ito sa mga emote niya para lang sabihin na may lalaki na uling nagpapaligaya sa kanya – kahit wala naman? Ha-hahaha! Ayaw ni Bistek ng ganyan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending