Leila de Lima niregaluhan ng mini-concert ang kaibigan sa comedy bar | Bandera

Leila de Lima niregaluhan ng mini-concert ang kaibigan sa comedy bar

Cristy Fermin - December 30, 2015 - 03:00 AM

LEILA DE LIMA

LEILA DE LIMA

PANALUNG-panalo si Secretary Leila de Lima nu’ng Lunes nang gabi nang dumalo siya sa kaarawan ng aming kaibigan-anak-anakang si Zaldy Aquino.

Sobrang cowboy ang sa biglang tingin ay parang napakahirap lapitang da-ting tagapamuno ng DOJ, hinandugan niya ng kanta ang may kaarawan, at hindi lang ‘yun isa kundi tatlo pa!

Sabi nga ng mga katabi namin sa mesa ay madaya raw talaga kung minsan ang malayuang paghusga sa isang tao. Sino nga ba ang mag-aakala na ang dating kinatatakutang DOJ secretary ay puwede palang makibagay sa kanyang kapaligiran?

Maganda ang boses ni Secretary Leila de Lima na abalang-abala ngayon sa paglilibot sa buong bansa sa kanyang pangarap na makapaglingkod sa ating mga kababayan bilang senador.

Hindi lang siya basta nakakakanta, nasa tamang tono ang kanyang boses, kaya niyang makipagsabayan sa pagkanta sa kahit sinong pulitiko diyan.

“I’m not into singing talaga, but for a good friend, I can do it,” tawa nang tawang sabi pa ni Secretary de Lima.

Nu’ng una naming nalaman ang impormasyon na tatakbo siyang senador ay isa lang ang naisip namin.

Bukod sa kahirapan ay matinding problema ng a-ting mga kababayan ang paghahanap ng hustisya.

‘Yun ang bitbit ni Secretary Leila de Lima sa kanyang kagustuhang makatulong sa mga Pinoy na inaapi nang walang kalaban-laban.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending