Jennylyn bagong reyna ng MMFF, muling nagwagi ng Best Actress Bandera

Jennylyn bagong reyna ng MMFF, muling nagwagi ng Best Actress

Djan Magbanua |December 29,2015
share this

Jennylyn bagong reyna ng MMFF, muling nagwagi ng Best Actress

Djan Magbanua December 29, 2015 - 02:00 AM

jennylyn mercado

SIGURADONG masarap ang tulog ni Jennylyn Mercado noong Linggo pagkatapos ng 2015 Metro Manila Film Festival Awards Night na ginanap sa KIA Theater sa Cubao, Quezon City.

Bukod kasi sa tinanghal na Best Movie of the Year ang entry nilang “#Walang Forever”, siya rin ang nagwaging Best Actress sa gabi ng parangal. Mahigpit ang seguridad sa MMFF Awards Night.

Nagkalat ang kapulisan at talagang hinahawi nila ang mga tao sa tamang daanan. Strictly “no invite no entry” ang event. May eksena pa nga na isang miyembro ng media ang hinarangan dahil wala pa siyang invitation sa kabila ng kanyang ipinakitang press ID.

Hosted by Richard Guiterrez na gwapung-gwapo sa suot na barong at KC Conception on her very revealing and sexy dress, muling nagpatalbugan sa kanilang outfit ang mga dumalong celebrities.

Si Cesar Montano ang tinanghal na Male Celebrity of the Night. “Akala ko nanay ko lang nakapansin ng suot ko nga-yon pero kayo din pala maraming salamat,” ang biro pa ng lead star ng “Nilalang”.

Isang sparkling green gown naman ang suot ng nanalong Female Celebrity of the Night, walang iba kundi ang napakaseksing si Jennylyn Mercado. Hiyawan nang hiyawan ang mga fans ng Kapuso actress sa ilang beses niyang pag-akyat sa stage.

Pawang fans nga yata ng award-winning actress ang nanood sa awards night dahil tuwing babanggitin ang “#Walang Forever” ay nagsisigawan ang mga ito at kinailangan pang sawayin ng mga naka-standby na ushers.

Ang iba pang awards na natanggap ng “#Walang Forever” ay Best Original Story, Best Screenplay at FPJ Memorial Award for Excellence. Ang katambal naman ni Jen sa movie na si Jericho Rosales ang itinanghal na Best Actor ngayong taon.

Nang makorner ng media si Jennylyn pagkatapos ng event ay talagang abot-langit ang pasasalamat nito dahil sa back-to-back na parangal na natanggap niya sa MMFF bilang Best Actress.

Siya rin ang nanalong pinakamagaling na aktres noong MMFF 2014 para sa “English Only Please”.
“Happy ako, I’m so blessed and sobrang nanginginig pa rin ako hanggang ngayon.

Hindi ko alam!” aniya. Sobrang saya rin daw niya dahil nakatrabaho na niya finally si Echo. Natanong din siya kung maaari bang magkaroon ng part two ang “Walang Fore-ver”, “Wala ng part two kasi paano mo itutuloy, di ba? Napanood n’yo na ba? Ay sorry! Ha-hahaha!” natatawang sabi ng dalagang ina bago tuluyang umalis ng venue.

Naiuwi rin ng “Walang Forever” ang Best Picture award.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending