Pastillas Girl: Nag-hire sila ng gunman para patayin ang nanay ko!
Sa nakaraang Christmas party ng TV5 for the press ay nakita namin si Angelica Yap alyas Pastillas Girl na sumikat sa It’s Showtime ng ABS-CBN. Kaya ang tanong namin, bakit nasa Kapatid event siya, e, very much identified siya sa Dos?
Ayon kay Angelica um-attend siya sa TV5 Christmas party dahil isa na siya ngayong Viva artist (pumirma na ng 5-year contract). Alam naman nating lahat na ang big boss ng Viva na si Vic del Rosario na ang namamahala sa entertainment department ng TV5.
Pero aniya, wala pang nakalinyang proyekto para sa kanya dahil kailangan pa niyang sumabak sa acting workshop para mas lumalim pa ang hugot niya.Tungkol naman sa pagpaslang sa kanyang ina, umaasa siya na very soon ay mahuli na kung sino ang killer at pagbayaran ang nagawa nitong krimen, “Sa ngayon, naghihintay pa kami sa bagong development.
Na-invite na rin ‘yung mga ex boyfriend niya, sana lang mapatunayan nila na wala silang kinalaman.
“Kasi, ang isang malaking tinitingnan ay ‘yung anggulong…it’s personal. Nag-hire sila ng gunman to kill my mom, hindi lang siya isang simpleng pagpatay,” ayon pa kay Angelica alyas Pastillas Girl.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.