Miami Heat naungusan ang Memphis Grizzlies | Bandera

Miami Heat naungusan ang Memphis Grizzlies

- , December 15, 2015 - 01:00 AM

MIAMI — Nagbuslo si Dwyane Wade ng jumper may 21.9 segundo ang nalalabi para ipagkaloob sa Miami Heat ang una at natatanging kalamangan sa second half para tulungan ang kanyang koponan na makabangon buhat sa 16 puntos na paghahabol para maungusan ang Memphis Grizzlies, 100-97, at wakasan ang tatlong sunod na pagtatalo sa kanilang NBA game kahapon.

Umiskor si Chris Bosh ng 22 puntos, si Gerald Green ay nagdagdag ng 16 puntos at si Luol Deng ay nag-ambag ng 15 puntos para sa Miami.

Ang jumper ni Wade ang nagbigay sa Heat ng isang puntos na kalamangan bago naghulog si Justise Winslow ng dalawang free throws sa huling segundo ng laro. Si Wade ay nagtapos na may 14 puntos.

Kumana si Jeff Green ng season-high 26 puntos para sa Memphis habang ang surpresang starter na si Matt Barnes ay nagtapos na may 13 puntos at 13 rebounds. Si dating Heat guard Mario Chalmers ay nag-ambag ng 12 puntos para sa Memphis na dinaig sa puntusan ng Miami, 11-0, sa huling 2:34 ng laro.

Thunder 104, Jazz 98 (OT)
Sa Oklahoma City, umiskor si Kevin Durant ng 31 puntos para pamunuan ang Oklahoma City Thunder na makabangon buhat sa 16 puntos na paghahabol at itala ang ikalawang panalo kontra Utah Jazz sa loob ng tatlong araw.

Si Russell Westbrook ay gumawa ng 25 puntos, 11 rebounds at limang assists para sa Thunder, na nagwagi ng siyam na diretsong home games laban sa Jazz magmula pa noong 2010-11 season. Pinalawig din ng Oklahoma City ang kanilang pinakamahabang winning streak ngayong season sa limang laro.

Si Rodney Hood ay may 23 puntos, si Gordon Hayward ay nagdagdag ng 22 puntos at si Alec Burks ay nag-ambag ng 21 puntos para sa Jazz, na nahulog ng limang laro sa likod ng nangungunang koponan sa Northwest Division na Oklahoma City.

Raptors 96, 76ers 76
Sa Toronto, kumamada si DeMar DeRozan ng 25 puntos habang si Luis Scola ay nagdagdag ng 22 puntos para sa Toronto Raptors na tinambakan ang Philadelphia 76ers tungo sa pagtala ng ikaapat na sunod na panalo.

Itinala ni DeRozan, na pumasok sa laro na may  average na 21.7 puntos kada laro, ang ikatlong sunod na laro na may 20 puntos. Tinapatan naman ni Scola ang kanyang season-high point total mula sa isang laro noong Nobyembre.

Pinamunuan ni Jahlil Okafor ang Philadelphia sa itinalang 23 puntos at 14 rebounds habang si Robert Covington ay nag-ambag ng 15 puntos at siyam na rebounds.

Suns 108, Timberwolves 101
Sa Phoenix, bumira si Brandon Knight ng pitong 3-pointers tungo sa pag-iskor ng 25 puntos para tulungan ang Phoenix Sun s na padapain ang Minnesota Timberwolves.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pinangunahan ni Zach LaVine ang Wolves sa ginawang 28 puntos habang si Kevin Martin at nagdagdag ng 19 puntos.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending