Tanim-bala modus: Avsegroup sasampahan ng robbery-extortion ng NBI | Bandera

Tanim-bala modus: Avsegroup sasampahan ng robbery-extortion ng NBI

- December 10, 2015 - 04:11 PM

SASAMPAHAN ng National Bureau of Investigation (NBI) ng kasong robbery-extortion ang mga miyembro ng Philippine National Police-Aviation Security Group (PNP-Avsegroup) kaugnay ng kanila umanong pagkakaugnay sa tanim-bala modus sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang Task Force Talaba (Tani, Laglag Bala) na binuo ni Justice Secretary Alfredo Benjamin Caguioa ang siyang nag-imbestiga at nagrekomenda ng pagsasampa ng kaso kaugnay sa extortion scheme.

Nauna nang binigyan ang NBI hanggang Nobyembre 18 para tapusin ang imbestigasyon, bagamat humiling ito ng karagdagang panahon.

Nagtalaga rin ang DOJ ng mga prosecutor habang nagkaloob naman ang Public Attorneys Office (PAO) ng mga abogado sa paliparan para mapabilis ang proseso at maiwasan makaabala sa mga nagbibiyahe.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending