Golden State Warriors umangat sa NBA best 23-0 start | Bandera

Golden State Warriors umangat sa NBA best 23-0 start

- , December 10, 2015 - 01:00 AM

INDIANAPOLIS — Umiskor si Klay Thompson ng season-high 39 puntos habang si Stephen Curry ay may 29 puntos, pitong rebounds at 10 assists para sa Golden State Warriors na pinalawig ang kanilang malinis na panimula sa pagtala ng 131-123 pagwawagi laban sa Indiana Pacers sa kanilang NBA game kahapon.

Ang Warriors ay umangat sa 23-0 at nanalo ng 27 diretsong laro magmula pa sa nakaraang season para tapatan ang 2012-13 Miami Heat  na hawak ang second-longest streak sa kasaysayan ng NBA.

Gumawa si Thompson ng 29 puntos sa first half. Nakalamang ang Golden State ng 28 puntos sa ikaapat na yugto bago dumikit ang Indiana sa anim na puntos sa huling 25 segundo ng laro.

Makakaharap naman ng Warriors ang Boston Celtics ngayong Sabado.

Ang Indiana ay pinamunuan ni Paul George na gumawa ng 33 puntos habang si C.J. Miles ay nag-ambag ng 24 puntos.

Cavaliers 105, Trail Blazers 100
Sa Cleveland, nagtala si LeBron James ng 33 puntos at 10 rebounds para sa Cleveland Cavaliers na bumangon buhat sa 18-puntos na first-half deficit para masungkit ang panalo kontra Portland Trail Blazers.

Si Kevin Love ay nagdagdag ng 18 puntos at ang second-half lineup adjustment na ginawa ni coach David Blatt ay nakatulong sa Cleveland na putulin ang three-game losing streak.

Umiskor si Damian Lillard ng 33 puntos para sa Portland.

Nets 110, Rockets 105
Sa New York, gumawa si Brook Lopez ng 24 puntos habang si Joe Johnson ay may 22 puntos para sa Brooklyn Nets na winalis ang season series kontra Houston Rockets sa unang pagkakataon sa loob ng 14 taon.

Sa iba pang laro, giniba ng Oklahoma City Thunder ang Memphis Grizzlies, 125-88; pinayuko ng Sacramento Kings ang Utah Jazz, 114-106, at dinaig ng Orlando Magic ang Denver Nuggets, 85-74.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending