P89M jackpot nakuha ng negosyante
Napalitan ng P89 milyon ang itinayang P560 ng isang negosyante na nanalo ng jackpot prize ng Mega Lotto 6/45.
Ang nanalo ay 55 taong gulang, may limang anak at taga-Quezon City, ayon kay Jose Ferdinand Rojas II, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office.
Siya ang nag-iisang nakakuha ng mga numerong 5-14-15-37-43-45 sa bola noong Disyembre 4. Tumaya siya ng System 8 o walong numero ang kanyang pinili sa halip na anim lamang, kaya nagdagdagan ang kanyang premyong naiuwi.
Ang jackpot prize ay nagkakahalaga ng P89.118 milyon pero ang kanyang naiuwi ay P89.607 milyon.
Apat na taon na umanong tumataya ng lotto ang nanalo.
Plano ng nanalo na bumili ng bahay at lupa at dagdagan ang kanyang kapital sa negosyo.
Magbibigay din umano siya ng pera sa charity groups upang matulungan din ang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.