Trillanes sinabing pangunguna ni Duterte sa SWS survey dinaya
BINATIKOS kahapon ni Sen. Antonio Trillanes IV ang survey Social Weather Station (SWS) sa pagsasabing dinaya ito para palabasin na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang nanguna matapos makakuha ng 38 porsiyento.
“The survey that was released is a propaganda article which was done by the Alan Cayetano-Duterte camp so it naturally favors their candidates,” sabi ni Trillanes sa isang forum sa Quezon City.
Idinagdag ni Trillanes na ginawa ang survey bago ang pagmumura nito kay Pope Francis.
“The survey was conducted before the infamous speeches of Mayor Duterte and I believe that will have an impact,” sabi ni Trillanes.
Sinabi pa ni Trillanes na kilala ang SWS na nagpapagamit bilang propaganda ng ilang pulitiko.
“We have witnessed that during the 2004 presidential elections when they kept on voting GMA as the front runner and ultimately as the winner on the elections,” aniya.
Suportado ni Trillanes ang kandidatura sa pagkapangulo ni Sen. Grace Poe. Tumatakbo rin si Trillanes sa pagka bise presidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.