Palasyo minaliit lamang ang pamamayagpag ni Duterte sa SWS survey
MINALIIT lamang ng Palasyo ang pinakahuling resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan nanguna si Davao City Mayor Rodrigo Duterte matapos makakuha ng 38 porsiyento.
Sa isang briefing, iginiit ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na anim na buwan pa bago ang aktuwal na eleksyon sa Mayo.
“While there will be repeated surveys before May, the only survey that matters is actually [in] May. So that’s the only survey that we will be looking forward to,” sabi ni Lacierda.
Ito’y matapos namang makakuha lamang ang pambato ng Liberal Party (LP) na si dating Interior secretary Mar Roxas ng 15 porsiyento at pumangatlo lamang sa survey ng SWS, samantalang tabla naman sina Sen. Grace Poe at Vice President Jejomar Binay sa ikalawang puwesto matapos makakuha kapwa ng 21 porsiyento.
“If you have been involved in a campaign as we were in 2010, you will the numbers go up and down. We are in a marathon, we are not in a sprint,” giit ni Lacierda.
Ayon pa kay Lacierda, kampante ang administrasyon na makakahabol pa si Roxas.
“When you present your platform and people will discern on who will best to bring the country forward, doon makikita. Siguro ang tanong ninyo rin, nakikita niyo ang gains ng daang matuwid o kung walang daang matuwid. So, it’s a people’s choice. It’s the people who decide where do you want this country to move forward to,” dagdag pa ni Lacierda.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.