John Lloyd-Bea movie kumita na ng P400-M sa loob ng 10 araw Bandera

John Lloyd-Bea movie kumita na ng P400-M sa loob ng 10 araw

Ervin Santiago |December 07,2015
share this

John Lloyd-Bea movie kumita na ng P400-M sa loob ng 10 araw

Ervin Santiago - December 07, 2015 - 02:00 AM

john lloyd cruz

Umabot na sa P400 million ang kinita ng “A Second Chance” nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa loob ng 10 araw, ayon sa Star Cinema.

Ayon sa social media accounts ng movie outfit ng ABS-CBN, “A Second Chance passed the P400-million mark on Saturday. It is still in over 200 cinemas nationwide, as well as in various cinemas worldwide.”

Inaasahang mas tataas pa ito sa ikatlong linggo ng pelikula sa mga sinehan. Sa nakaraang interview kay Bea sinabi nitong hindi nila inasahan na magiging ganito katindi ang pagtanggap ng madlang pipol sa “A Second Chance,” ang part 2 ng blockbuster 2007 movie nilang “One More Chance.”

“Parang ang hirap maniwala agad. Nakakalula. But we are very very happy na tinanggap siya ng tao ng ganito,” chika ni Bea na nagsabing open pa rin sila sa pagkakaroon ng part 3 ng movie.

“Sana meron. After nu’ng magandang resulta ng ‘A Second Chance,’ after namin mapanood na maganda yung reviews, nagkaroon kami ng hope na puwedeng maraming puntahan ang storya ng installment ng One More Chance.

Sana may third,” pahayag ng Kapa-milya actress. Nakagawa muli ng record ang “A Second Chance” matapos itong tanghaling “highest grossing non-Metro Manila Film Festival Filipino movie on its opening day,” matapos kumita ng P43.3 million sa unang araw sa mga sinehan.

Tinalo na nito ang P32 million kita ng 2015 Star Cinema movie na “Crazy Beautiful You” nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending