Pemberton igagawa ng bagong selda? | Bandera

Pemberton igagawa ng bagong selda?

John Roson - December 02, 2015 - 06:17 PM

23pemberton
Balak umanong ipagpagawa ng bagong selda si US Marine L/Cpl. Joseph Scott Pemberton matapos itong mahatulang guilty sa pagpatay sa transgender na si Jeffrey “Jennifer” Laude.

“I believe there will be a facility that will be made… We will be giving you more updates regarding this, kung ano ‘yung magiging decision,” sabi ni Peter Paul Galvez, tagapagsalita ng Department of National Defense.

Ibinigay ni Galvez nang tanungin kung di ba nalalabag ang utos ng Olongapo City Regional Trial Court na iditine si Pemberton sa AFP Custodial Center sa Camp Aguinaldo.

Ang itinuturing kasi na “custodial center” ng Armed Forces ay matatagpuan sa compound ng Intelligence Service of the AFP (ISAFP), pero si Pemberton ay kasalukuyang nakaditine sa compound ng Mutual Defense Board-Security Engagement Board (MDB-SEB).

Nasa loob din ng Camp Aguinaldo ang MDB-SEB compound pero “jointly controlled” ito ng Pilipinas at Amerika.

Pemberton ‘depressed’, nag-bubble gum lang

Samantala, sinabi naman ng abogado ni Pemberton sa mga reporter na nananatiling “depressed” ang Amerikanong sundalo matapos mapatawan ng di bababa sa 6 taong pagkakakulong para sa kasong homicide na nag-ugat sa pagpatay kay Laude noong Oktubre 2014.

Mula nang dumating sa MDB-SEB compound Martes ng gabi ay tulala, di kumain, at nag-bubble gum lang kahapon ng umaga si Pemberton, sabi ni Atty. Rowena Flores Garcia sa mga reporter.

Dumating si Pemberton sa MDB-SEB compound alas-9:28 ng gabi Martes sakay ng isang van ng Philippine National Police.

Kasunod ng van ang isang patrol car, pick-up na may lulang mga police commando, ambulansya, at ilan pang sasakyan na kinabibilangan ng sinakyan ni Visiting Forces Agreement commissioner Usec. Eduardo Oban.

Nakaposas si Pemberton nang ibaba sa MDB-SEB compound at sinalubong ng mga unipormadong tauhan ng Bureau of Corrections.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

– end –

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending