Foton wawalisin ang Petron sa PSL Grand Prix finals | Bandera

Foton wawalisin ang Petron sa PSL Grand Prix finals

Melvin Sarangay - November 30, 2015 - 01:00 AM

Laro Ngayon
(Cuneta Astrodome)
4 p.m. Petron vs Foton
(Game 2, best-of-three Finals)

TATANGKAING wakasan ng Foton ang pamamayagpag ng Petron sa Philippine SuperLiga (PSL) sa pagwalis ng kanilang best-of-three PSL Grand Prix championship series ngayong alas-4 ng hapon sa Cuneta Astrodome, Pasay City.

Inaasahan na totodo ang Tornadoes para makubra ang unang korona sa prestihiyosong inter-club tournament na hatid ng Asics at suportado ng Milo katuwang  ang Senoh, Mikasa at Mueller bilang technical partners at TV5 bilang official broadcaster.

Pinamumunuan ng matatangkad na frontline na binubuo ng American imports na sina Lindsay Stalzer at Katie Messing kasama ni national team mainstay Jaja Santiago, ang Tornadoes ay nagkaroon ng mabagal na panimula bago biglang rumatsada sa ikalawang round para makuha ang karapatang makasukatan ang top seed na Philips Gold sa isang do-or-die semifinals.

Ginulat ng Tornadoes ang Lady Slammers sa isang klasikong limang set na duwelo para umabante sa finals kontra Blaze Spikers, na kinokonsidera bilang pinakamalakas na koponan sa liga dahil sa mga beteranong manlalaro na hinubog na nang karanasan sa pagwawagi sa mga laban.

Sa finals ay nakita ang pag-angat ng laro ng Tornadoes sa mas mahusay na lebel.

Matapos na matalo sa  opening set, sinandalan ng Foton ang matinding net defense, ang halos walang sablay na reception at malupit na atake para dominahin ang Petron sa ikalawa at ikatlong set.

Sa ikaapat na set ay tuluyang gumuho ang laro ng Blaze Spikers para ibigay sa Tornadoes ang 14-25, 25-21, 25-19, 25-22 panalo.

Bagamat nakauna sila sa laban, hindi naman nagkukumpiyansa si Foton coach Villet Ponce-de Leon.

“The job is not yet done. We’re not yet ready to relax,” sabi ni Ponce-de Leon, na siyang gumabay sa Blaze Spikers sa kanilang mga naunang kumperensiya sa liga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending