Derek masama raw ang loob sa TV5; pinersonal si Claudine
TIYAK na nakarating na kay Claudine Barretto ang lantarang pagtanggi ni Derek Ramsay sa pagsasamahan sana nilang teleserye sa TV5.
Si Diether Ocampo na ang makakapareha ni Claudine sa serye. Anytime soon ay magsisimula na ang taping ng programa kaya siguradong todo na ang paghahanda ng dating magka-loveteam.
Ayon sa chika, personal ang dahilan ng pag-ayaw ni Derek na makasama si Claudine sa anumang proyekto. Kung matatandaan, noong magdyowa pa sina Derek at Angelica Panganiban ay kumalat ang balitang may relasyon daw si Claudine sa bestfriend ni Derek na si Martin.
Ang tsimis, si Angelica raw ang nagpakalat ng balita kaya nagkaroon sila ng hidwaan ni Claudine.
May sinabi pa raw ang hunk actor na papayag lang daw siyang gawin ang nasabing proyekto kung wala sa cast si Claudine?
Wala pang official statement ang TV5 tungkol dito, maging si Claudine ay hindi pa nagbibigay ng reaksiyon hinggil sa isyu. Ayon sa isang source, walang problema kay Claudine kung pagtambalin sila ni Derek sa serye, trabaho ang hanap ng aktres at hindi away.
Mismong ang estranged wife ni Raymart Santiago ang nagsabi na kailangan niya ng regular na kita para sa kanyang mga anak. Gusto rin daw niyang makatulong sa pagpapagamot sa kanyang inang may sakit ngayon.
Hinatayin natin ang magiging sagot ni Claudine sa isyung ito, maging maanghang kaya ang resbak niya kay Derek? Kaugnay nito, may mga kumakalat ding chika na masama raw ang loob ni Derek sa TV5.
Ayon sa isang source na present sa ginanap na trade launch ng pinagsanib na pwersa ng TV5 at Viva Entertainment kung saan ipinakita ang mga susu-nod na proyekto ng Kapatid network, parang may tampo raw ang hunk actor.
Ang dahilan, hindi na raw kasi siya ang pinakabida sa ginanap na trade launch, noong mga nakaraang taon raw kasi ay siya palagi ang lumalabas na pinakasikat na artista ng TV5.
True kaya ito? Kung kilala talaga namin ang hunk actor, mukhang imposibleng magalit o magtampo ito sa TV5 na siyang nagtiwala at nagbigay sa kanya ng pagpapahalaga nu’ng mawala siya sa ABS-CBN.
In fairness, talagang itinuring na hari ng Kapatid network si Derek sa ilang taon niyang pamamayagpag sa network. Komento nga noon ng ilang showbiz insiders parang wala nang ibang artista ang TV5 kundi siya lang dahil sa kaliwa’t kanan niyang proyekto.
Posibleng may pinagdaraanan lang ngayon si Derek sa kanyang personal na buhay kaya medyo sablay ang mga pinagaggagawa niya ngayon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.