Felix Roco umamin na: Mahal na mahal ko si Jm de Guzman! | Bandera

Felix Roco umamin na: Mahal na mahal ko si Jm de Guzman!

Julie Bonifacio - November 30, 2015 - 02:00 AM

jm guzman

MALUNGKOT si Felix Roco sa mga nababalitaan niya tungkol sa kanyang kaibigan at aktor na si JM de Guzman. Kalat na ang balitang gumagamit ulit ng ipinagbabawal na gamot si JM. Kasunod ang pagkawala niya sa afternoon drama series niya sa ABS-CBN.

Nami-miss na raw niya si JM. Sobrang tagal na raw kasi nilang hindi nagkikita. “Nakita ko siya noong first time pagkalabas niya ng rehab. I only saw him once. Nakita ko siya noong bago siya bumalik sa showbiz.

Noong pagkalabas niya, pumunta kasi siya sa bahay ko. E, tropa ko si JM,” eksklusibong pahayag sa amin ni Felix. Nagulat daw si Felix nu’ng dalawin siya niya ni JM sa bahay niya. Imposible raw na hindi sila magkita ni JM.

“Pero nalulungkot ako syempre ngayon ‘di ba? As much as you can do about to help him, ‘di ba? There’s no-thing we can do, e. He just need this time to rest lang talaga. Time for himself. Ang dami niyang iniisip, e,” lahad ni Felix.

Isa si Felix sa mga nanghinayang kay JM. Tumatak na kasi sa marami ang pagiging mahusay niyang aktor sa industriya. Pero hindi raw dapat sisihin si JM sa nangyari sa kanya. “We’re all victims sa love, e, ganoon talaga.

‘Yun naman talaga ang punu’t dulo kung bakit nangyari yun kay JM, pag-ibig naman, e. Hindi naman sa droga. It’s just an outlet, e,” paliwanag ni Felix. Hindi raw sinabi ‘yan sa kanya ni JM.

Pero kilala raw kasi niya ang aktor, “Kahit hindi naman sabihin sa ’yo alam mo naman kung ano ang problema. Mahal ko si JM. Mahal na mahal ko siya. Kaya nakakalungkot kapag nakikita mong ganyan, e.”

May lumabas na balitang ipapasok daw ulit ng rehab si JM ng kanyang ama. Hindi ito nabalitaan ni Felix. Pero kung siya ang tatanungin at may choice, hindi siya pabor na ipasok ulit sa rehab si JM,

“Siguro sa ano, (he) just need a vacation. Huwag sa rehab. (He) just needs time lang talaga. Away from people. Away from the internet.” Masyado lang daw na-depress sa pagibig si JM, “Ano, he’s a sucker for love lang talaga. Para sa akin ‘yun lang ang weakness ni JM, pag-ibig,” sambit pa niya.

Itinanggi naman niya na ang ex-girlfriend ni JM na si Jessy Mendiola ang dahilan ng depresyon ng aktor. Even before Jessy daw kasi kakilala niya na si JM at ang nauna nitong girlfriend. Alam niya na ganoon lang daw talaga katindi ma-in love si JM.

Aminado naman si Felix na ganoon din daw siya kapag nagmahal. “I guess lahat naman ng lalaki ganoon, e. Kanya-kanya lang nang pagha-handle,” aniya. When asked kung si-nubukan din niyang mag-drugs noong ma-depress siya sa pag-ibig, eto ang sabi ni Felix, “Hindi naman outlet.

E, wala. Wala akong ginawa. Kanya-kanyang trip, e.” Nagulat naman si Felix sa balitang hindi lang daw paggamit ng illegal drugs ang ginagawa ngayon ni JM diumano pati na raw ang pagbebenta nito.

Siyempre, hindi naniniwala si Felix na magagawa ni JM ang magbenta ng illegal drugs. But given a chance na magkita sila ni JM, bibigyan niya ang kaibigan ng advise. “Sasabihin ko lang sa kanya, kapit lang. ‘Yun lang talaga ang magagawa ko,” halos pabulong na sabi ni Felix.

Samantala, hindi first time ni Felix ang gumawa ng rape scene sa pelikula kaya hindi siya nahirapan gawin ang mga eksena nila ni Andi sa “Angela Markado.” ‘Tsaka nag-rehearse rin daw muna sila nina Andi kung paano ie-excute ang rape scene.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayaw nang idetalye ni Felix kung paano ang ginawa niya kay Andi sa movie para aba-ngan na lang daw ng mga manonood. At the same time, all praises naman siya sa ginawang atake ng kanilang direktor na si Carlo Caparas sa mga eksena nila sa “Angela Markado” which incidentally ay ipapalabas na sa Dec. 2.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending