Duterte inamin tatlo ang asawa | Bandera

Duterte inamin tatlo ang asawa

Leifbilly Begas - November 29, 2015 - 04:02 PM

Rodrigo-duterte
duterteHindi umano maipapangako ng presidential aspirant na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang langit para sa Pilipinas pero mapapabuti niya ang kalagayan ng mga Filipino.
Sinabi ni Duterte na ang gusto niya ay sumunod ang bawat isa sa batas para bumuti ang kalagayan ng bansa.
“I just want everyone to follow the law. Don’t fuck with the law. Crime angers me,” ani Duterte. “I cannot promise you heaven but I will take steps to improve your situation and for you to live a comfortable life.”
Nakilala ang alkalde dahil sa paggamit ng kamay na bakal sa pagpapatupad ng batas.
Ilang ulit na rin niyang pinagbantaan ang mga kriminal na gumagawa ng krimen sa kanyang lungsod.
Ang pagtakbo ni Duterte ay suportado ni dating Speaker Prospero Nograles na may 30 taon na niyng kalaban sa pulitika.
“For the record, Boy Nograles who was his (Duterte) enemy for 30 years is publicly supporting him and I will campaign for him in every way I can,” ani Nograles.
Ang anak ni Nograles na si Davao City Rep. Karlo Alexi Nograles ay tumatakbo muli at walang kalaban sa darating na halalan.
Ang nakababatang anak ng dating Speaker na si Jerico Nograles ay ikalawa namang nominee ng Pambansang Bayaning Atleta partylist.
Inamin ni Duterte na hindi siya perpekto at mayroon siyang tatlong asawa.
“You have to ask my women. I have three. Hindi ito yung binabahay… nasa condo o subdivision. Naka boarding house they get P1,500 a month. Yan ang kaya kong i-maintain I can’t touch my salary for that because that is for my family,” dagdag pa ng alkalde.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending