Mocha Girls handang iwanan ang sexy shows para kay Duterte | Bandera

Mocha Girls handang iwanan ang sexy shows para kay Duterte

- November 29, 2015 - 02:35 PM

mocha girls
SINABI ng puro babaeng grupo na Mocha Girls na handa silang iwan ang mga sexy na mga show bilang suporta kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa kanyang kandidatura sa 2016 presidential elections.

Sa isang post sa kanilang Facebook page noong Nobyembre 27 na naging viral, sinabi ng grupo na handa silang i-prayoridad ang pangangailangan ng bansa bago ang kanilang mga sarili.

“May nag comment po at sabi bat daw namin sinusuportahan si Duterte sa pag ka pangulo dahil daw pag sya ang naging pangulo isasara daw ang mga bar at mawawalan kami ng trabaho dahil bawal daw ang sexy performers, sabihin na natin kung eto man ay totoo, kami po ay handang tumigil mag sexy show para lang maging presidente si Duterte, we will sacrifice our career for our country to have a genuine change. Bayan muna bago ang sarili,” sabi ng kanilang post.

Nakita ang mga Mocha girls na may dalang t-shirt na may mga nakasulat na “Duterte 2016.”

Namimigay din ang grupo ng mga baller bracelet ni Duterte sa kanilang mga show bilang suporta sa mayor.

Umabot na sa 43,000 ang nag-like sa post at umabot sa 3,600 ang nag-share.

Pormal nang naghain si Duterte ng kanyang certificate of candidacy (COC) noong Biyernes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending