Bea payag sa part 3 ng ‘A Second Chance’ pero may 1 kundisyon... | Bandera

Bea payag sa part 3 ng ‘A Second Chance’ pero may 1 kundisyon…

Ervin Santiago - November 28, 2015 - 02:00 AM

john lloyd cruz

MAHIGIT P50 million na ang kinikita ng pelikulang “A Second Chance” sa dalawang araw pa lang nito sa mga sinehan kaya naman tuwang-tuwa ang Star Cinema lalo na ang mga bidang sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

Actually, na-shock daw sina Lloydie at Bea dahil hindi nila inakala na unang araw pa lang ng kanilang movie sa sinehan ay kikita na agad ito ng P43 million. Ito ang sinasabing “highest grossing film in the history for a non-MMFF movie.”

“I prayed na sana mara-ming makapanood, na sana maraming maka-appreciate at sana maraming matuwa na fans ni Popoy at ni Basha. Overwhelming ‘yung feeling namin. All overwhelmed sa reception ng tao, we did not expect na it would be this big,” ang pahayag ni Bea sa isang panayam.

Dagdag pa niya, “Ang sarap ng feeling, hindi ko ma-explain, nagbunga ‘yung hard work. Ang sarap kasi napakalapit sa puso namin ‘yung project, tapos ganon ‘yung effect sa mga tao so siguro ‘yung love na ibinigay namin sa trabaho namin, ibinalik nila so iba ‘yung feeling.”

Bukod sa paghataw nito sa takilya, magaganda rin ang reviews sa pelikula, “Siyempre it’s as important as the box-office di ba? So nakakatuwa kasi hanggang ngayon may tumatawag pa rin, may nagpapa-block screening so we’re very happy and I think were going to celebrate soon.”

At dahil sa tagumpay ng “A Second Chance”, willing pa ba siyang magkaroon ito ng part 3? “Yes! Na-excite ako. Actually kahit hindi pa lumalabas ‘yung first day namin, naiisip ko na ‘yun eh.

“Noong napanood ko ito sa premiere night, while doing it nahirapan kami pero naisip ko ‘yung ganitong kagandang material, dapat magkaroon pa ng third eh, parang marami pa siyang pwedeng puntahan, pero siguro after eight years ulit,” dagdag ng aktres.

Para naman kay John Lloyd, kung magkakaroon man daw ng part 3 ang “A Second Chance” tiyak na magiging madugo na naman ito pero tulad ng sinabi ni Bea, dapat daw mas maganda at mas malaman pa ang maging istorya nito.

Inaasahan naman ng Star Cinema at ng buong production na mas tataas pa ang kita ng pelikula sa darating na long weekend dahil wala ngang pasok sa Lunes dahil pumatak itong holiday.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending