Carlo Caparas, Donna Villa gagawa ng mas maraming pelikula sa 2016
IT’S been quite a while since nakapanood tayo ng obra ng mahal nating National Artist na si Direk Carlo J. Caparas sa malaking telon and thank God, he finally made it!
Iyan ang tunay na lawin at ang kaniyang pagbabalik via the remake ng award-winning movie “Angela Markado” starring the beautiful young actress Andi Eigenmann, under Oro de Siete Productions and Viva Films.
“Nakaka-miss din ang gumawa ng pelikula. Marami lang kaming inasikaso these past years kaya hindi kami nakagawa ng projects. But don’t worry, marami tayong pagsasamahan starting now and the years to come. Kasado na lahat ng mga gagawin nating projects for next year pero uunahin muna natin itong ‘Angela Markado’ directed by Carlo of course. Excited na kami.
“Nakakakilabot dahil ang ganda ng project na ito na dating pinagbidahan ni Ms. Hilda Koronel. We can’t think of another young actress who’d fit this role but Andi. Ang galing ng batang ito – iba ang atake niya sa papel,” ani Ms. Donna Villa who’s on top of the whole production team.
“Kung nu’ng panahon ni Hilda, umagos ang mga luha sa mata niya sa kabuuan ng pelikula, dito sa remake ng ‘Angela Markado’, walang luhang makikita sa mga mata ni Andi pero mararamdaman mo ang luha sa dibdib niya – sa kaloob-looban ng kaluluwa niya. Magkaiba kasi kami ng interpretasyon ni late Lino Brocka who directed this 35 years ago.
“Iba rin kasi ang vision ko sa material na ito dahil ako ang may likha ng istorya nito. Magkaiba kami, I may say na mas ginandahan ko pa itong version with Andi dahil ito’y sa pananaw ko bilang writer ng nobela,” ani direk Carlo na sobrang nakaka-miss.
Playing Andi’s rapists here are five adorable guys – Paolo Contis, Epi Quizon, Polo Ravales, Felix Rocco and CJ Caparas, the couple’s handsome son.
“May advantages and disadvantages din ang pagiging anak ng batikang director/writer na si Carlo Caparas while doing this film. As a father, we would sometimes argue on decisions dahil I am the type who would fight for my own beliefs and opinions.
“But of course, bilang father ko siya I listen to him but we would sometimes resot to small debates. But as a director and me bilang his actor in the film, I would siyempre listen to him. He knows best, di ba? But I can feel the pressure dahil he’s no ordinary man – he’s respected in his field.
“Kaya I made sure na gawin ang lahat ng makakaya ko, not because gusto kong maka-level ang mga mahuhusay na aktor na kasama ko sa film, ayoko lang magmukhang tanga as an actor. Ha-hahaha!” anang anak-anakan nating si CJ.
This is a must-watch movie na tiyak na papatok sa takilya. Kasi nga, hindi ito ordinaryong pelikula like the many rom-coms na napapanood natin every time. This is a suspense-thriller na very dramatic ang atake na tiyak na kagigiliwan ng milyon-milyon nating moviegoers.
Puring-puri rin ni direk Carlo si Andi as an actress, “Para sa akin ngayon siya ang pinakamahusay na artistang babae natin ng kabataan. Sa role na Angela Markado tingin ko siya lang sa ngayon ang pupuwedeng gumanap ng ganitong klaseng role. Hindi basta aktres si Andi.
“Kung ano man yung mga kontrobersiya na dumating sa kanya, parte yun ng isang mahusay na karakter sa showbiz at parte yun sa buhay ng magiging magaling na artista.
“At ang kakayahan ni Andi hindi na kailangan itanong pa natin, alam naman natin ang pinagmulan, puro mahusay. Mahusay ang ina, mahusay ang ama sa pagiging alagad ng pelikulang Pilipino,” he added.
Hay naku, can’t wait to watch this movie. Imagine how it is to be raped and talking about vengeance in the end. What a character in Angela Markado, di ba?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.