Ex-Pasay mayor, ex-cong guilty sa graft
Guilty ang hatol ng Sandiganbayan First Division kay dating Pasay City Mayor Wenceslao ‘Peewee’ Trinidad at dating Pasay Rep. Jose Antonio Roxas sa kasong graft kaugnay ng maanomalya umanong pagpapatayo ng market mall noong 2004.
Anim hanggang 10 taong pagkakakulong ang iginawad na parusa sa kanila sa kasong graft at dagdag na apat na buwan hanggang isang taong pagkakakulong sa kasong paglabag sa Article 237 ng Revised Penal Code.
Binigyan umano ng ‘unwarranted benefit’ ng dalawa ang Izumo Contractors Inc. na kanilang pinili na magtayo ng P489.95 milyong Pasay city mall and public market.
Si Trinidad ang chairman ng Pre-Qualification Bids and Awards Committee at si Roxas naman ay miyembro ng PBAC. Si Roxas ay konsehal pa ng ipatupad ng kontrata.
Itinuloy umano ni Trinidad ang kontrata kahit na ang PBAC ay nabuwag na dahil sa pagsasabatas ng Government Procurement Reform Act (RA 9184) kaya may paglabag din umano sa Article 237 ng RPC.
“(T)hereby (giving) unto the latter (Izumo) unwarranted benefits, advantage, and preference, as such acts not only indicate a dishonest purpose or some moral obliquity, the conscious doing of a wrong, and a breach of sworn duty through some bad motive or intent or ill will but also constitute corruption or abuse of authority.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.