Andi: Hindi na po importante kung sino ang tunay na ama ng anak ko!
Ngayong araw malalaman kung anong rating ang ibibigay ng Movie and Television Review and Classification Board sa pelikulang “Angela Markado” ni Andi Eigenmann na idinirek ni Carlo J. Caparas at mapapanood na sa Dis. 2, handog ng Oro De Siete Productions at Viva Films.
Nagtanong kasi kami sa taga-Viva kahapon kung anong rating ang ibinigay ng MTRCB sa “Angela Markado” dahil mas matitindi raw ang rape scenes ni Andi rito kumpara sa ginawa kay Hilda Koronel sa original version nito noong 1980.
Base sa nakita naming trailer ng pelikula ay sobrang bayolente nga nito at inamin ni Andi na totoong nahirapan siya sa shooting dahil sa rape scenes pa lang ay inabot na sila ng isang linggo.
Nagkapasa-pasa raw talaga si Andi pagkatapos siyang gahasain at pahirapan ng kanyang rapists na ginampanan nina Epy Quizon, Paolo Contis, Felix Roco, Polo Ravales at CJ Caparas (anak nina direk Carlo at Donna Villa).
Anyway, sa presscon pa rin ng “Angela Markado” ay mu-ling tinanong si Andi sa sinabi niyang si Jake Ejercito ang “tatay” ng anak niyang si Ellie na apat na taon na ngayon.
Sabi kasi ni Andi, simula nang mabuntis siya hanggang sa ipanganak si Ellie ay si Jake na ang kasama niya, “Whate-ver people got from what I said, I said Jake was the father, di yun na lang, there’s no confusion.
“If you got what I said that he was the father, then he is the father. I don’t really care. Basta si Jake, like I explained it, I said that it doesn’t matter. “You don’t become a father biologically.
You become a father by faith. I don’t care about DNA tests. I don’t need it. It does not matter who the real father is. What matters is who has been there from the very beginning, which is why Jake is the father.
“If people assumed that I’m saying that Jake is really the father, then go ahead and believe that,” dire-diretsong sabi ng aktres. Tanda mo bossing Ervin na makailang beses naming sinulat dito sa BANDERA na usapan sa non-showbiz circle na ginagalawan nina Jake ay siya ang itinuturong ama ni Ellie?
At ngayong hiwalay na sina Andi at Jake ay naniniwala pa rin ang aming souce na magkakabalikan pa rin ang dalawa maski na sabihin pa ni Andi na may bago na siyang ka-date.
Sabi nga ni Andi kung sinuman ang tunay na ama ni Ellie ay hindi na importanteng malaman ng publiko dahil pagdating ng panahon ay siya mismo magsasabi sa anak ng buong katotohanan.
Anyway, makakasma rin sa “Angela Markado” sina Anna Roces, Marita Zobel, Bret Jackson, Bembol Rocco, Mika dela Cruz, Buboy Villar, Bugoy Carino, Ysabelle Peach with the special participation of Public Attorney’s Office Chief Atty. Persida Acosta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.