PANGARAP ng bawat isa sa atin ang magkaroon ng sariling bahay.
Kaya sa mga may hanapbuhay, bahay ang karaniwang inuunang ipundar dahil iba na nga kapag sarili mo na ang iyong tinitirhan at hindi ka na nangungupahan.
Isang kaanak ko ang naengganyo ng isang nagpakilalang realty expert sa loob ng isang mall sa Cavite.
Maganda ang inialok sa kanyang bahay kaya kaagad silang nagpunta sa location at doon ay nagustuhan niya ang lugar.
Sa madaling salita, naghulog siya ng downpayment na halos ay kalahati ng halaga ng property.
Tatlong taon na ang nakalipas pero hanggang ngayon kahit isang poste ay wala pang naitatayo sa nasabing subdivision kaya napilitan kaming idulog sa Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) ang kaso.
Malaking kumpanya pa naman ito na pag-aari din ng isang kilalang business tycoon na pasok sa Top 10 richest Pinoy ng Forbes magazine.
Sasamantalahin ko na rin ang pagkakataong ito para pasalamatan ang mga tumulong sa kaanak ko na makahanap ng mapagkakatiwalaan na developer that can deliver ika nga sa kanilang mga promises.
Noong isang buwan lang ay nakita namin ang Lancaster City na isang 1,500 hectares na property ng Pro-Friends.
Mahigit sa 15,000 families ang nakatira na roon at sakop ang mga bayan ng Kawit, Gen. Trias at Imus.
In fairness, naging mabilis ang proseso at nakalipat agad ang kaanak namin sa bago nilang bahay.
Mahalaga ang katotohanan sa bawat salita lalo na kung paglalaanan ninyo ito ng perang pinaghirapan sa matinong paghahanap buhay.
Isang bagay ang natutunan namin, hindi porke’t malaking kumpanya ay hindi ka lolokohin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.