Nasawi ang balong waitress nang pagbabarilin ng di pa kilalang salarin sa Candelaria, Quezon, kahapon.
Agad ikinasawi ni Dionisia Brul, 46, residente ng San Pablo City, Laguna, ang tama ng bala sa iba-ibang bahagi ng katawan, ayon sa ulat ng Quezon provincial police.
Naganap ang pamamaril dakong alas-4:30 sa bahagi ng Candelaria-San Juan Road na sakop ng Brgy. Malabanban Norte.
Naglalakad si Brul sa madilim na bahagi ng kalsada nang sundan at pagbabarilin sa likod ng di pa kilalang tao, ayon sa ulat.
Narekober ng mga rumespondeng pulis sa pinangyarihan ang tatlong basyo ng kalibre-.45 pistola na ginamit ng salarin.
Inaalam pa ang pagkakakilanlan at motibo ng salarin, na agad tumakas matapos ang insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.