Lovi, Rocco pinatunayang maayos pa rin ang relasyon | Bandera

Lovi, Rocco pinatunayang maayos pa rin ang relasyon

Ervin Santiago |November 25,2015
facebook
share this

Lovi, Rocco pinatunayang maayos pa rin ang relasyon

Ervin Santiago - November 25, 2015 - 03:00 AM

ROCCO NACINO, LOVI POE AT BEJAMIN ALVES

ROCCO NACINO, LOVI POE AT BENJAMIN ALVES

SA gitna ng mga kumakalat na balitang hiwalay na, isang litrato ang ipinost ni Lovi Poe sa kanyang Instagram account kung saan kasama niya ang boyfriend na si Rocco Nacino.

Magkasama ang dalawa sa GMA Telebabad series na Beautiful Strangers na matatapos na ngayong linggo, at base sa mga chikang naglalabasan, kasabay ng ending ng nasabing serye ay natapos na rin daw ang kanilang relasyon.

Pero sa litrato ngang ipinost ni Lovi sa IG kung saan kasama rin ang kanilang Beautiful Strangers co-stars na sina Heart Evangelista at Benjamin Alves, mukhang happy naman ang dalawang Kapuso stars, kaya ang espekulasyon ng kanyang followers sa social media ay maayos na nag-break ang dalawa kaya napanatili nila ang kanilang friendship.

Pero sey naman ng ilang fans, baka raw may pinagdaanan lang ang magdyowa kaya natsismis na break na, pero nagkabalikan din.

Narito ang caption ni Lovi sa kanyang IG post: “Our friendship got even deeper because of Beautiful Strangers. I’ll miss seeing you guys on a regular basis! #BeautifulStrangers.”

Marami rin ang nakapansin na ito raw ang kauna-unahang picture na ipinost ni Lovi sa IG kasama si Rocco matapos ang pagbabakasyon nila sa Japan two months ago.

Kung matatandaan, kumalat ang tsismis na nag-break na ang dalawa matapos magkaroon ng away dahil diumano sa pera. Nag-post pa si Lovi sa Instagram recently ng isang makahulugang mensahe, aniya, “Sometimes you have to give up on people. Not because you don’t care, but because they don’t.”

Meron ding ganitong emote si Rocco sa IG, anito, “One of the hardest decisions you’ll ever face in life is choosing whether to walk away or try harder.”

Anyway, sa nalalapit na pagtatapos ng Beautiful Strangers, natanong ang mga bida sa serye kung ano ang maaasahan ng manonood sa magiging ending nito.

Ayon kay Dina Bonnevie na gumaganap na kotrabida sa programa, “The viewers can expect an ending that addresses wrongdoings that have to be corrected by paying the price for mistakes.”

Sey naman ni Lovi, “Expect the unexpected. Our writers have had a very good vision on how the story will go. The ending is heartbreakingly beautiful.”

Ayon naman kay Benjamin, “Some people will not make it to the final episode…and you’ll be surprised who they are. So that’s a much watch.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tutukan ang huling apat na gabi ng Beautiful Strangers sa GMA Telebabad.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending