Chiz at ang kahirapan sa Sorsogon | Bandera

Chiz at ang kahirapan sa Sorsogon

Jimmy Alcantara - November 24, 2015 - 03:00 AM

BAGO naging senador ay naging kongresista ng Unang Distrito ng Sorsogon si Francis ‘Chiz’ Escudero, kung saan nagsilbi siya bilang Assistant Majority Floor Leader at House Minority Floor Leader, mula 1998 hanggang 2007.
Kaya hindi maiwasang magtanong ng karamiran kung ano-ano ang mga nagawa ni Chiz sa bayan, partikular sa kanyang kinatawan na probinsya na Sorsogon, upang ihalal siya bilang ikalawang pangulo ng bansa sa 2016.
Ayon sa ilang mga kababayan niya, nakakadismaya umano dahil parang nakalimutan ng mambabatas ang “Charity begins at home” na kasabihan.
Punto nila, maraming naipasang batas si Chiz gaya ng RA 9504 (Tax Exemptions for Minimum Wage Earners and Increased Tax Exemptions), RA 10353 (Anti-Enforced or Involuntary Disappearance Act) at RA 9745 (Anti-Torture Act), pero nasaan daw ang tulong sa kanyang mga kababayan?
Hindi lang daw ito hinaing na walang basehan dahil ayon sa datos ng National Statistical Coordination Board (NSCB), pumalo sa 51.1 porsyento ang poverty incidence sa Bicol Region noong 2006, na ang ibig sabihin ay kalahati ng mga residente roon ay walang sapat na kita upang ipangtustos sa pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, bahay, edukasyon at gamot.
Ang lalong nakaalarma sa kanila ay mula sa 43.5 porsyento noong 2003 ay lumobo sa 55.3 porsyento ang poverty incidence sa mismong probinsya ni Chiz na Sorsogon.
Kaya nga raw sa pagtataya ng NCSB ay kung noong 2003 ay 300,652 ang mahihirap na Sorsoguenos, noong 2006 ay nasa 395,434 na ito.
Nagtataka rin ang mga Bicolano kung bakit tila hindi nasabihan si Chiz sa kalagayan ng mga kabataan sa rehiyon sa gitna ng ulat ng Department of Education-Health Nutrition Center (DepEd HNC) na maraming malnourised na mag-aaral sa public school sa kanilang rehiyon.
Anila, sa school year 2012-2013 ay nasa ikatlong puwesto ang Bicol sa pinakamaraming malnourished na elementary pupils sa bansa (5.37 porsyento o 52,310 ay severely malnourished) at ikaapat na puwesto sa high school (3.75 porsyento o 10,379 ay severely malnourished).
Dagdag ng mga Bicolano, malayo na ang narating ni Chiz bilang politiko, pruweba nga ay ang mga parangal sa kanya bilang isa sa Ten Outstanding Young Men (TOYM), Asia News Network’s Asia’s Idols at Young Global Leaders ng World Economic Forum, pero kung bilang tagapaglingkod ng bayan ang pag-uusapan, hindi sila sigurado.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending